Chapter 32 (Via's Grandmother)

267 62 8
                                    

Danni's (Point Of View)

Matapos mai-check ng doktor ang kalagayan ni Charmaine pinapasama niya kami sa office niya.

"Doc, kamusta po ang kalagayan ng kaibigan namin?" Pagtatanong ko kay Doctor De Ruel matapos ko mabasa ang plate name sa taas ng table niya.

Pinagsiklop niya ang dalawang kamay niya na nakapatong sa taas ng table at seryoso niya kaming tiningnang tatlo sa mga mata namin.

"Her condition is very serious." Seryosong sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean po, Doc?" Pagtatakang tanong ko ulit sa kaniya .

Hindi ko kasi alam ang ibig niyang sabihin. Pero, feel ko na may kakaiba na dinadala si Charmaine sa kaniyang katawan.

"The patient has heart disease."

Nagkatingininan kaming tatlo at mababakas din sa mukha nina Summer at Kyries ang pagkagulat.

What the heck! Mayroon siyang sakit sa puso?! Sandali lang... Alam na ba ito ni Trent?

Marami pang sinabi ang doktor sa amin after that nagtungo na kami sa hospital room ni Charmaine naabutan namin siya na gising na.

"Danni..." Paninimula niya.

Naglakad namin kami palapit sa kaniya at naupo kaming tatlo sa bangkuan na katabi ng hospital bed niya.

"Hanggang kailan mo ba hindi sasabihin sa amin? Kung hindi ka pa namin dinala dito sa hospital hindi pa namin malalaman na may sakit ka sa puso."

Natahimik naman siya at mayamaya lang nag-umpisa siyang umiyak.

"I-I'm sorry."

Hinawakan ko naman ang isang kamay niya na nakapatong sa tiyan niya.

"Charmaine, hindi ka dapat matakot o mahihiya na sabihin sa amin ang dinadamdam mo. Hindi kami iyong tipong tao nanghuhusga ng kondisyon ng isang tao. Ano pa ang silbi ng pagkakaibigan natin kung tinatago mo lang pala iyang sakit mo sa amin. Lagi mong tandaan na nandito kami para suportahan ka sana maging matatag ka sa sarili mo at hindi ka dapat mawalan ng confident sa sarili mo. Gawing mong lakas ang mga taong nagmamahal sa'yo. Kayanin mo ang lahat dahil alam kong malalampasan mo ang pagsubok na ito sa buhay mo."

Mas lalong humahagulhol ng iyak si Charmaine sa sinabi ko.

"Thank you, Danni. Thank you."

Mas lalo pa kaming lumapit sa kaniya at niyakap namin siyang tatlo.

"Pero sa tingin ko deserve na malaman 'to ni Kuya Trent," Sabi ni Summer ng kumalas kami sa pagkakayakap Kay Charmaine. Kinaway naman ni Charmaine ang dalawang kamay niya at umiling.

"Please, don't..."

Nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Pero, Charmaine hindi natin maitatago ang sakit mo sa lahat lalo na kay Trent malalaman na malalaman talaga niya ito." Malungkot na sabi kaniya ni Kyries.

"Kyries is true, Charmaine. Kapag isenekreto pa natin ang tungkol sa sakit mo baka magalit pa sa amin si Trent." Sabi ko naman sa kaniya.

"Please... Not now. Bigyan niyo ako ng time. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya."

Napahinga naman ako ng malalim. Kapag pinilit pa namin siya baka mas lalo pa siyang ma stress isa kasi sa sinabi ni Doctor De Ruel sa amin na iwasan na ma stress si Charmaine. Kaya wala kaming magagawa pa kundi sundin ang pakiusap niya sa amin.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon