Chapter 1 (Summer Vacation)

1.4K 111 1
                                    

Danni's (Point of View)

Nang mai-check ko ang lahat ng dadalhin ko sa summer vacation namin sa Siargao, sinara ko na ang zipper ng maleta ko pero agad akong napatigil nang may pumatak na dugo mula sa puting kumot ko. Isinubo ko ang hintururo ko para tumigil ang pagdurugo.

Kanina kasi tinulungan ko si Manang Melly na maghiwa ng bawang at sibuyas. At dahil natalsikan ng katas ng sibuyas ang mata ko, humapdi ito kaya kinusot ko pero hindi ko na pala napansin na nagalaw ko ang kutsilyo at imbis na sibuyas ang hihiwain ko, kaliwang hintuturo ko ang nahiwa ko.

Hindi ko na nilagyan ng band-aid dahil tumigil naman ang pagdurugo, pero hindi ko ine-expect na may dugo pala na lalabas ngayon.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko at naglakad ako palapit sa tukador at kinuha ko ang medicine kit. Kumuha ako ng band-aid at nilagay ko ito sa hintuturo ko.

May narinig akong huni ng kotse sa labas kaya dali-dali ako naglakad papunta sa veranda ng kwarto ko. Binuksan ko muna ang glass window bago ako dumungaw sa labas.

Sinilip ko sa baba kung sino ang dumating at sobrang nagpapasalamat ako na nandito na si Bakulaw. Bumalik ako sa loob at dahil naayos ko na at cheneck ang mga dadalhin ko. Kinuha ko muna sa taas ng side table ang sling bag ko tsaka ako naglakad palabas ng kwarto habang hatak ko ang maleta ko.

Bago ako bumaba, nilock ko muna ang kwarto ko. Pagdating ko sa baba naabutan ko si Manang Fee na kinakausap si Henzein.

Naglakad ako palapit sa kanila.

"Manang Fee!" Pagtawag ko sa kaniya dahilan para mabaling ang tingin nila sa akin.

Si Manang Fee na rin pala si Bakulaw?

"Bakit, hija?" Pagtatanong sa akin ni Manang Fee.

"Kayo po muna ang bahala sa bahay. Isang linggo lang naman po kami sa Siargao at huwag po kayong mag-alala magi-ingat po kami doon at isa pa, nag-iwan na po ako ng mensahe kay Papa na pupunta kami ng Siargao baka kasi magtaka siya kung wala ako. Ngayon na kasi ang uwi niya galing Hawaii." Sabi ko sa kaniya.

"Sige, Ma'am Danni. Ako na ang bahala rito." Nakangiti niyang sabi.

"Salamat po." Ngiting pagpapasalamat ko naman sa kaniya at niyakap ko siya.

Hindi naman kami nagtagal at nagpaalam na kami kay Manang Fee. Paglabas namin sa bahay, tinulungan ko si Henzein na ipasok sa compartment ng kotse niya ang maleta ko.

"Ano alis na tayo?" Pagtatanong niya sa akin.

"Sige." Sagot ko sa kaniya.

Wala na rin naman kaming hihintayin pa. Sabi kasi ni Kuya Reeve sa Siargao na lang kami magkita-kita. 3 hours lang naman ang biyahe papunta doon.

Pagpasok ko sa loob ng front seat, umupo muna ako ng maayos bago sinara ang pinto ng kotse at nag seat belt para sa safety ko. Pinaandar na ni Henzein ang engine ng kotse niya, kaya humarap na ako sa unahan ko.

Gaya ng sabi ko kanina, magsu-summer vacation kami sa Siargao at isang linggo lang naman kami doon. Susulitin namin ang isang linggong pagliligo sa dagat. Pagbalik kasi namin kailangan na namin ayusin ang mga dapat ayusin sa school kasi enrollment na. Grade 12 senior high na kami ngayong taon at hindi naman katagalan ang taon dahil nagtapos naman kami sa Grade 11 nitong last 2 months lang.

Mabilis lang kasi lumipas ang araw, buwan, at taon. Panibagong buhay na naman sa amin. Last day of April na kasi ngayon. Dapat nitong last week pa kami nagpunta sa Siargao pero tinulungan namin sina Tita Kelly sa paparating na kasal nila ni Sir Toby kaya kinancelled muna namin ang alis namin.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon