Continuation...
Via's (Point Of View)
"A-Ano... Anong sabi mo? Nakipaghiwalay si Thalia Kay Reeve?"
Hinawakan ko ulit ang kamay ni Blast para pakalmahin siya.
"Do I need to repeat my words? Hindi ka naman siguro bingi 'di ba?" Sabi ni Sir Spiencer
Nilingon naman ni Blast si Ma'am Thalia.
"Is that true, Thalia?"
Napayuko si Ma'am Thalia at nakita namin ang paghikbi niya. Mayamaya lang bigla siyang tumakbo palayo sa amin na umiiyak na.
"Thalia!" Sigaw ni Sir Spiencer at sinundan niya si Ma'am Thalia.
Si Manong Glorio naman bumalik na sa kaniyang ginagawa.
"Ahm...Via ipagpapatuloy ko muna ang pag ma-mop. Maiwan ko muna kayo ni Blast." Sabi sa akin Kyries na ikinalingon ko sa kaniya.
"Sige, Kyries." Nakangiti na sabi ko sa kaniya. Pagkatalikod niya sa akin, hinarap ko si Blast na tulala at nakakuyom na ang kaniyang dalawang kamao.
"Mabuti pa gamutin ko muna iyang pasa sa gilid ng labi mo," Akmang hahawakan ko na ito nang hulihin niya ang kamay ko at binaba ito.
"No need. Aalis na ako." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo ko.
"Susunduin kita mamaya" Dagdag na sabi niya at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Tumalikod na siya sa akin matapos siyang makapagpaalam. Napahinga naman ako ng malalim. Saan naman kaya siya pupunta?
Blast's (Point Of View)
Pagdating ko sa tambayan namin naiinis na binalibag ko ng bukas ang pinto na ikinatingin naman nila sa akin.
"Ohh, Easy lang, Bro." Sabi sa akin ni Autumn.
Naglakad ako papasok ka at naupo sa tabi ni Henzein.
Wow! Himala andito ang Bakulaw. Palagi kasi 'tong nakabuntot kay Danni.
"Anong masamang espirito ang pumasok sa'yo at nandito ka ngayon sa tambayan? Ano LQ kayo?"
Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin.
"Jerk! Namiss ko lang tumambay dito kasama kayo."
Ohh, I see. Lima lang kami ngayon ang andito. Ako, si Henzein, Si Autumn, Si Nathan at si Taroy.
Si Autumn umiinom ng kape, Si Taroy always na kumakain ng POPCORN. Si Nathan at Henzein na kumakain ng chocolate na naman? Nung isang araw chocolate din kinain namin galing sa pinsan ni Trent.
"Saan galing ang chocolate?" Pagtatanong ko sa kanila. Hindi kasi ako maniniwala na binili nila iyan. Hindi naman kasi sila naglalaan ng pera para bumili ng mga chocolate at isa pa imported halatang galing ibang bansa.
"Kay Ethan." Sagot ni Nathan na ikinatingin ko sa kaniya. Kaharap lang naman namin siya ni Henzein.
"Umuwi na pala ang gunggong mong kambal?"
"Yes. Nung isang araw pa."
Napa 'ahh' naman ako kay Nathan at sinandal ko ang ulo ko sa arm rest ng sofa. Wala ako sa mood para makipag-usap pa tungkol sa gunggong na Ethan na 'yon. Ano naman sa akin kung umuwi na ang lalaking iyon. Tsk.
"Anong nangyari, Blast, at tila bad mood ka ngayon? Binalibag mo pa nga ang pinto ng tambayan natin."
Napadilat ako ng dalawang mata at tumingin ako kay Autumn.
"Galing ako sa coffee shop ni Tita Kelly dahil hinatid ko si Via, pero t*ng*na naabutan ko ang ungas na Spiencer na 'yon kaya nakipagbanghayan ako sa kaniya at nakatanggap pa ng sapak mula sa kaniya." Paliwanag ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...