Someone's (Point Of View)
Palabas na dapat ako ng kotse ko when I received a missed call from her. Napabuga at napairap pa ako sa hangin nang sagutin ko ito.
"Yes? Napatawag ka."
("Kamusta na? Ano na ang update? Sinimulan mo na ba ang pinag-uutos ko sa'yo?")
Ghad! Napahagod naman ako sa bridge ng ilong ko.
"No. But, I already meet your ex-lover. Hindi ako makalapit sa kaniya palagi silang magkasama ng girlfriend niya e,"
("Bitch! That's what I want to point out with you! Paano mo masisira ang relasyon nila kung hindi ka kumikilos?! Arghh! Hintayin mo na dumating ako at mapepektuksan ka talaga sa akin. Don't worry, I will send you the first half payment kapag nasimulan mo na ang trabaho mo. By the way, I need to hang up this call. Bye")
Kita mo 'yong baliw na iyon sa akin niya pinapagawa tapos papagalitan niya lang ako.
Pasalamat siya nangangailangan ako ngayon ng pera plus ang gwapo pa no'ng ex-lover niya kaya kapag nasira ko na ang relasyon nila ng girlfriend niya syempre ako ang sasalo at 'yong baliw na babaeng iyon ipapa despatsya ko kapag naging kami ng ex-lover niya para wala ng balikid sa aming dalawa. (Evil smirk)
Danni's (Point Of View)
"Bakulaw, kausapin mo na ako."
Pagkalabas namin ng kotse niya syempre hinabol ko siya papasok sa main gate ng SEGIHS. Sinundo niya ako pero hindi niya naman ako kinakausap hanggang makarating kami dito sa school. Kagabi kahit isang tawag at message hindi din ako naka received mula sa kaniya talaga ngang nagtatampo sa akin ang Bakulaw ko.
"What?" Tanong niya sa akin matapos siyang tumigil sa paglalakad at harapin ako.
"I'm sorry kung ano man ang nagawa ko. Kung nagtatampo ka sa nangyari kahapon pwede naman natin pag-usapan 'di ba? Syempre masaya lang ako kahapon dahil dumating na si Zen-Zen. Kababata pa rin natin siya Henzein. Pero, bakit parang hindi ka masaya na umuwi na siya?"
Inasikan niya lang ako at napamulsa siya.
"Bakit naman ako magiging masaya? At kahit kailangan hindi ko siya tinuring na kababata."
Kita mo ang lalaking 'to ang sama talaga ng ugali. Pasalamat siya at mahal ko siya.
"Haysst! Ewan ko sa'yo na Bakulaw ka. Basta quits na tayo ha?"
Hinawakan niya naman ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko.
"Tsk. I can't resist you."
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ihahatid na kita sa classroom niyo." Dagdag na sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hahakbang na sana kami nang may biglang sumigaw.
"Mr. Sungit!"
Sabay kaming napalingon ni Bakulaw sa likod namin at isang babae na hindi familiar sa akin ang mabilis na naglalakad papunta sa kinatatayuan namin. Napakunot naman ang noo ko.
"Whoah!" Hinihingal siyang napahawak sa dalawang tuhod niya.
Napatingin ako kay Bakulaw at salubong ang dalawang kilay niya.
"You again!" Galit na sigaw sa kaniya ni Bakulaw.
"Magkakakilala kayo?" Takang tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...