3 weeks past...
Nathan's (Point Of View)
It's been three 3 weeks past nang sumama ako kina Mom dito sa Switzerland. This place is full of beautiful spot.
About naman sa operation ni Dad thanks God dahil naging successful ang operation niya pero nasa hospital pa rin siya para magpagaling.
Sa tatlong linggo na lumipas maraming mga bagay ako natutunan dito sa Switzerland. Nahahandle ko na rin ng tama 'yong time management ko pagdating sa pagta-trabaho sa company ni Dad.
May naging kaibigan rin ako dito pero hindi siya lalaki kundi babae. Mabait siya at hindi siya kagaya ng ibang mga babae na malandi at maarte. Her name is Margaux Alcantraz and she's a filipina. She's Tita Patrice's daughter. Tita Patrice is Mom's friend here in Switzerland.
Huwag niyo bigyan ng malisya. Me and Margaux are friends only at wala kaming gusto sa isa't-isa. We are both in a relationship. By the way, she's a model here in Switzerland at isang model rin ang boyfriend niya.
Everyday ko siyang nakakasama at nakakausap kaya naalala ko sa kaniya si Kyries. I really really miss her so much kung pwede ko lang talaga siya isama dito sa Switzerland ginawa ko na kaso hindi pwede dahil siya na lang ang inaasahan nina Tita Janna at Lola Helene. Mabuti na lang nagpaiwan si Ethan sa Pilipinas kaya andiyan siya para bantayan at samahan si Kyries.
Nandito kami ngayon sa isang sikat na resto naglu-lunch. Kanina ko pa nga napapansin si Margaux na hindi ginagalaw ang pagkain niya at mukha siyang namumutla.
"Are you okay?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at tumango. Mayamaya lang napahawak siya sa bibig niya at biglang napatayo.
"Margaux!" Tinawag ko siya dahil tumakbo na lang siya palayo.
Pinabantayan ko sa waiter ang pagkain namin at sinundan si Margaux papunta sa girls comfort room. Mabuti na lang walang mga babae ang gumagamit ng cr. ngayon kaya nakapasok ako sa loob. Nakita ko si Margaux na sumusuka sa sink. Naglakad naman ako palapit sa kaniya at hinagod ang likod niya.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nagsusuka?"
Naghugas siya ng kamay at nagmugmog. Hinarap niya ako na umiiyak.
"I'm pregnant, Nathan." Sagot niya na ikinagulat ko at ikinatigil.
"What? Did Tita Patrice and Tito Marc's know this?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Umiling siya.
"No. I'm afraid baka magalit sa akin si Dad at baka saktan niya ako." Umiiyak niyang sabi.
Agad ko naman siyang niyakap pero panandalian lang.
"How about your boyfriend? Sinabi mo na ba sa kaniya na buntis ka?"
"Yes. Pero, hindi niya ako pananagutan niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa ibang babae."
What the hell! Ang g*gong iyon!
"At iyan ngayon ang malaking problema ko, Nathan. Masisira ang career ko dahil sa pagbubuntis ko at alam kong kapag nalaman 'to ni Dad magagalit siya sa akin at baka palayasin niya pa ako."
Napahinga ako ng malalim.
Hinawakan ko ang isang kamay ni Margaux."Don't worry masosolusyonan pa natin iyan."
Kunot-noo naman niya akong tiningnan sa mga mata ko.
"But, How?"
Ngumiti ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...