Someone's 1 (Point Of View)
Nandito ako ngayon sa garden. Well, It's been 1 year and half month ago at hanggang ngayon sariwa pa din sa akin ang lahat ng nangyari. Kasalanan nila 'tong lahat lalo na nang babaeng iyon! Sinira niya ang lahat sa akin! Ginawa niyang miserable ang buhay ko! Kinuha niya ang dapat sa akin! I will make sure she will pay for this. Lintek lang ang walang ganti!
Napakuyom ako ng kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Akala nila malala pa din ang sakit na mayroon ako pero nagkakamali sila dahil sa mga gamot na iniinom ko unti-unti na akong bumabalik sa katinuan ko. At kapag naka fully recover na ako babalik ako at isa-isahin ko sila. Ipaghihiganti ko din ang pagkamatay ni Kuya.
"You have a visitor, Miss." Napaangat ang tingin ko sa babaeng nurse na siyang nagbabantay at nag-aalaga sa akin. Mula sa likod niya nagpakita sa akin ang taong gusto kong makita dahil siya muna ang gagawin kong instrumento.
Nagpaalam sa amin ang nurse kaya umupo siya sa kaharap kong bench.
"How are you now? Isang taon at kalahating buwan na rin ang nakalipas alam kong bumalik ka na sa sarili mo."
Ngumisi ako sa kaniya bilang sagot.
"Sabihin na lang nating oo, pero kailangan kong magpanggap sa lahat na hindi pa rin ako maayos, na wala pa rin ako sa tamang katinuan ko. Para mapaniwala ko sila na hindi pa ako magaling. Hindi pa ako handa lalo na nagsisimula pa lang ang mga ibang plano ko kaya ayoko masira ang mga ito."
Napailing siya ng ulo niya na parang hindi makapaniwala.
"I see. By the way, what do you want from me? Alam kong hindi mo ako papupuntahin dito kong hindi iyan importante."
Pinaikot ko ang wheelchair na sinasakyan ko at tumagilid ako sa kaniya.
"I know. May ipapagawa lang naman ako sa'yo. I need your big help alam kong malaki ang maitutulong mo sa akin. May nilabas akong picture at pinakita ko ito sa kanya. "Gusto ko sirain mo ang relasyon nila. Gawin mo ang lahat para mapaghiwalay sila. Babayaran kita kahit magkano ang gusto basta gawin mo lang ang ipapagawa ko."
Inagaw niya sa kamay ko ang hawak kong picture at tinitigan ito.
"Sino ang mag couple na 'to? Inferness ha, ang handsome ng guy."
Nilingon ko siya at nginisihan.
"My ex-lover and my enemy. "
"So, ito ang lalaki na kinababaliwan mo? (Evil smirk). Don't worry ako na ang bahala sa kanilang dalawa. Magiging exciting 'to."
"Good. Pero huwag na huwag kang magkakagusto sa kaniya. She's mine, Brat. Hintayin mo makabalik ako at doon na matatapos ang trabaho mo."
Ngumiti siya sa akin at tinago sa sling bag niya ang picture.
"Okay! Madali lang naman akong kausap."
Napangisi kami sa isa't-isa at napahalakhak.
Humanda sila sa akin dahil sisiguraduhin kong sa akin mapupunta ang huling halakhak.
Someone's 2 (Point Of View)
Nasa labas ako ngayon ng veranda ng kwarto namin habang nagpapahangin. Ang daming mga bagay ang bumabagabag sa isip ko. Gaya ng paano ko e-explain sa kanila ang lahat, kung bakit umalis ako na walang paalam at kung handa na ba akong magpakita sa kaniya/kanila?
I know this is not the right time pero hindi na kaya ng konsensiya ko ang daming kong nagawang kasalanan lalo na sa sister in law ko.
"Hon..." Naramdaman ko ang pagyakap ng fiance ko mula sa likuran ko. Hinarap ko siya na hindi inaalis ang mga kamay niya sa baywang ko. Tumingala ako sa kaniya at pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...