Chapter 2 (Trouble)

893 107 1
                                    

Danni's (Point of View)

Pagsapit ng tanghali sa isang cottage na renentahan ni Kuya Reeve kami maglu-lunch. Nakaupo ako ngayon sa tabi si Henzein, na nasa kaliwa ko, sa kanan ko naman si Ziana na kanina pa kinukulit si Winter pero denededma lang siya nitong isa.

Hindi ko alam kung bakit bad mood naman itong si taglamig at hindi pinapansin ang girlfriend niya. Oo, GIRLFRIEND. Last year lang naging sila pero hindi ko na fe-feel kay Winter na may gusto siya kay Ziana, hindi naman sa sinasabi ko na hindi mahal ni Winter si Ziana, parang may kakaiba kasi sa kaniya. Minsan nga nagkaka LQ sila tapos minsan rin naiinis si Winter kay Ziana na hindi namin alam kung ano ang dahilan niya. At may times na para wala siyang pakialam kay Ziana at pinababayaan niya na lang ito.

Ang laki talaga ng pinagbago ni Winter. Minsan nga tahimik lang siya at seryoso. Hindi na nga siya sumasabay sa amin tumawa kapag may nakakatawa. Palagi ko din siyang nakikita na malayo sa amin na mag-isa at humihithit ng sigarilyo. Siguro nga may problemang dinadala si Winter pero hindi lang niya masabi sa amin. At isa pa, nahuli ko rin siya minsan na nakatitig sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit.

Nga pala, bakit ko ba 'to pinapaliwanag?

"Labs, are you okay? Bakit tulala ka?"

Napalingon ako kay Henzein nang marinig ko ang tanong niya sa akin.

"Ahh, oo. Ayos lang ako. May iniisip lang," Sagot ko sa kaniya.

"Sino naman iniisip mo? Ako ba?" Nakangiti niyang pagtatanong sa akin at inakbayan ako.

"Hindi 'no. Asa ka."

Bigla namang nawala ang ngiti niya at inalis niya ang kaniyang braso mula sa pagkakaakbay sa akin. Tinalikuran niya ako at napa cross-arm kaya napailing-iling na lang ako habang pinipigilan kong hindi matawa.

"Bakulaw naman, binibiro lang naman kita. Sorry na." Paglalambing ko sa kaniya at hinaplos-haplos ko ang braso niya.

Grabi! Hindi ako aware kapag ako ang lumambing pero para kay Henzein gagawin ko.

"Tsk." Rinig kong asik niya kaya napabuntong hininga ako.

"Guys, handa na ang lunch! Magsikuha na kayo dito!" Rinig kong sigaw sa amin ni Spring.

Napahiyaw naman ang iba sa saya at mayroon naman nagpapasalamat dahil makakain na rin sila sa wakas. Kanina pa kaya kami naghihintay dito, pero niluluto pa daw ang pina reserve nilang pagkain.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang pinggan ni Henzein.

"Ako na ang kukuha ng pagkain mo." Sabi ko sa kaniya. Hinalikan ko muna siya sa noo niya bago ko siya tinalikuran.

Haisst. Tila mahihirapan akong suyuin ang Bakulaw ko.

Pagdating ko sa buffet table kung saan nakalagay ang mga pagkain, sumalubong sa akin si Taroy na may hawak na water gun nabigla ako nang barilin niya ako nito.

"Hoy, Taroy! Tigilan mo nga ang ginagawa mo! Ikain mo na lang iyan!" Naiinis na sigaw ko sa kaniya pero benelatan lang ako ng luko at sinampal-sampal pa ang pwet niya sa harapan ko kaya imbis na lalo akong mainis sa kaniya, natawa pa ako.

Lumapit naman sa kaniya si Summer at piningot sa kanang tainga kaya dito na ako mas humagalpak ng tawa. Narinig ko rin ang tawanan ng iba pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Ikaw, kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinansin! Bahala ka sa buhay mo! Ikaw ang kumuha ng pagkain mo!" Galit na sigaw sa kaniya ni Summer at pinukpok niya ng hawak niyang pinggan si Taroy sa ulo nito bago niya ito tinalikuran.

"Bebeloves naman!"

Ngayon sinong kawawa. Pfft! Hinabol naman ni Taroy si Summer papasok ng cottage kaya napailing-iling ako.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon