Chapter 30 (Black Shark Vs. Cross Gangster)

297 66 3
                                    

Danni's (Point Of View)

Nandito ako ngayon sa labas ng exit gate ng school namin uwian na at hinihintay ko na lang si Bakulaw dahil nag text siya sa akin na hintayin ko lang daw siya dito sa labas. Napatingin ako sa suot ko wrist watch at 4:13 pm na nang hapon. Kung gano'n 13 minutes pa lang akong naghihintay sa kaniya, 4:00 pm kasi ang uwian namin. Siguro cleaners nila? Wow, himala naman kong gano'n na maglinis si Bakulaw ng classroom nila. Paghuhugas nga ng mga pinggan hindi siya marunong paglilinis pa kaya ng classroom. Daig pa ako niya sa kaartehan.

"Labs!"

Napalingon naman ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Bakulaw na tinatawag ako. Naglalakad na siya ngayon palabas ng exit gate. Nawala naman ang naka paskil na ngiti sa labi ko nang makita ko si Shane sa likod ni Bakulaw na sumusunod sa kaniya. Napakunot naman ang noo ko.

Bakit sila magkasama? Magkaklase ba sila? Iba talaga ang nafe-feel ko sa babaeng 'yan.

Pagkalapit ni Bakulaw sa akin agad niya akong hinalikan sa pisngi ko at naglikha pa ito ng ingay.

Napatingin naman ako kay Shane na nakangiti na nakatingin sa akin.

"Hi, Danni." Pagbati niya sa akin.

"Bakit ka sumusunod kay Henzein?" Deritsuhang pagtatanong ko sa kaniya.

"Same strand kasi kami ni Mr. Sungit kaya magkaklase kami. Sumunod na ako sa kaniya since palabas na din siya ng school."

Napatingin ako kay Bakulaw at ang talim ng tingin niya kay Shane.

"Sinungaling ka. Pinilit mo ako na sumama ka sa akin. Kaya tayo magkasamang naglakad palabas ng school."  Naiinis na sabi ni Bakulaw.

"Ang sungit mo talaga. Hmp!"

I don't know why, pero nakaramdaman ako ng pagkairita kay Shane. Kakakilala ko pa lang sa kaniya pero feeling close na siya. Ramdam ko din na ang paglalapit niya kay Bakulaw at alam kung hindi ito nagkataon. Tsk. Porket tinulungan siya ni Bakulaw pwede na siyang lumapit-lapit dito.

"Dan-Dan!"

Nabaling ang tingin ko sa lalaking tumawag sa akin na walang iba kundi si Zen-Zen.

"Hi, Zen-Zen. Bakit nandito ka pa?" Pagtatanong ko sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit sa amin.

"Ahh..Pinalinis pa ako sa comfort room ng mga boys." Sagot niya.

"Buti nga sa'yo." Rinig kung sabi ni Bakulaw na ikinasiko ko sa kaniya. Kita mo ang lalaking 'to kahit kailan ang rude niya makipag-usap. Hassyt!

"Isa daw iyan sa rules dito sa school na kapag may new student maglilinis ng comfort room one week. Hindi ko nga alam kasi sa old school na pinapasukan ko sa  Germany wala naman silang ganiyang rules. So, medyo nanibago pa ako. By the way, pauwi na ba kayo?"

"What kind of question is that? Malamang uuwi na kami alangan namang tatayo lang kami dito. Dumating ka kasi kaya hindi kami nakaalis."

Binaling ko ang ulo ko kay Bakulaw at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba Henzein tumigil ka na nga. Umayos ka sa pananalita mo kung ayaw mong sapakin kita."

Nakakainsulto kasi 'yong sinabi niya kay Zen-Zen. Hindi naman sa kinakampihan ko si Zen-Zen, pero mali 'yong mga pinagsasabi niya dito. Inasikan naman ako ni Bakulaw na Ikinabuntong-hininga ko na lang.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon