Chapter 7 (Cool Off)

629 87 5
                                    

Nathan's (Point of View)

Nandito kami ngayon sa bar malapit sa resort. After ng misunderstanding nina Thalia at Reeve, dito ang deritso namin. Hindi na kasi namin naabutan pa sina Thalia at Taroy na umalis. Nag-alala nga ako dahil gabi na at baka ano pa ang mangyari sa kanila habang nasa biyahe sila. Haysst!

Wala naman talaga dapat sisihin dito kundi si Reeve. Hindi sa sinisiraan ko siya, pero kasalanan niya kung bakit umabot sa punto na cool off sila ngayon ni Thalia. Pinairal pa kasi niya ang pagkaseloso kaya ayon tuloy nagalit sa kaniya ang girlfriend niya at iniwan siya. Gusto ko pa sana magbigay ng advice sa kaniya kaso ayokong mahimasok sa LQ nilang dalawa at baka madamay pa ako.

Lumagok ako ng beer at tumingin kay Reeve na lasing na. Tawa siya ng tawa na parang baliw na ikinailing ng ulo ko. Sampung red horse na ang naubos niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-inom. Tuwing aagawin namin sa kaniya ang bote ng red horse, nilalayo niya kaya hinayaan na lang namin siya.

“Mashama, *hik* mashama bha na mhagshelos ako, *hik*?! Mahal nha mahal kho shi Thalia, pwero *hik* shinaktan kho ang fheelings niya. I-I'm a useless boyfriend to her!” Umiiyak niyang sabi at lumagok ulit.

Kahit hindi ko maintindihan ng mabuti ang nauna niyang sinabi, naitindihan ko naman ang huli.

I feel him. Naranasan ko rin umiyak, because of Suzy. Remember, nung maabutan ko sila ni Ethan na naghahalikan?  Doubleng sakit ang naramdaman ko noon. First, dahil unang niyang minahal si Ethan. Second, dahil niloko niya ako at pinagmukhang tanga. Akala ko talaga mawawawalan na talaga ako ng pag-asa, but I was wrong, dahil bumalik ulit si Kyries sa buhay ko. At napatunayan ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya at sa kaniya lang talaga ako masaya. Na hindi ko naranasan kay Suzy dahil puro lang siya kaartehan.

“Alam mo Reeve, wala namang masama ang magselos. Pero, kailangan mong itimpi ang galit mo at pagkaseloso. Kaya hindi nakakapagtaka pa kung bakit kayo nag-away ni Thalia. At isa pa, kapag mahal mo siya dapat may tiwala ka sa kaniya. Alalahanin mo 6 years na kayong in a relationship. Napakababaw ng dahilan niyo para mauwi pa kayo sa cool off.” Mahabang lintaya ni Blast na ikinasang-ayon namin.

Pero agad siyang napamura nang makita namin si Reeve na bagsak na dahil nakatulog na. Narinig pa namin ang mahina niyang hilik na ikinahalakhak namin.

“Ano ka ngayon tinulugan ka,” Pang-aasar sa kaniya ni Autumn at lumagok ng iniinom niyang gin.

Si Spring at Winter lang ang hindi nakasama rito sa bar dahil sa paghi-hysterical ni Summer matapos isama ni Thalia si Taroy pauwi. Hindi rin naman nakasama si Henzein dahil binabantayan niya ngayon si Danni.

“At least my words is not useless.” Depensa niya.

“Sabagay,” Sabi ko naman sa kaniya at nilagok ang huling laman ng beer.

Kahit malakas ang tugtog ng music, narinig ko pa rin ang pagtunog ng cellphone ko at ang pag vibrate nito. Kinapa ko ito sa suot kong black pants at tiningnan sa screen kung sino ang tumawag, at walang iba kundi ang Kyries ko na ikinangiti ko. Agad ko naman sinagot ang tawag niya.

“Hello, Babe?” Pangunguna ko.

(“Nasa bar pa rin ba kayo?”) Pagtatanong niya sa akin.

“Yes, Babe. Pero mayamaya lang babalik rin kami sa hotel.”

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

(“Huwag kang uminom ng marami at baka malasing ka,”)

Napangiti ako, dahil worried sa akin ang girlfriend ko.

“Yes, Babe. By the way, kamusta na si Summer?” Pagtatanong ko sa kaniya.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon