Danni's (Point Of View)
Three days past since Kuya Reeve's Birthday. Nagkabukol talaga ang noo ko no'ng tumama ang ulo ko sa bato. Remember, no'ng niligtas ko si Kyries dahil may gustong bumaril sa kaniya. Mabuti na lang hindi siya natamaan ng baril.
Hindi ko sinabi at nina Kuya Reeve ang tunay na nangyari kay Bakulaw basta ang sinabi ko lang sa kaniya nauntog ang ulo ko sa pader kaya nagkabukol at nagkasugat ako. Iyon tuloy napagalitan pa ako ni Bakulaw.
Today is our monthsary sobrang thankful ako dahil umabot pa kami ng isang taon at kalahating buwan na relasyon namin.
"Bakulaw, Saan ba tayo pupunta?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Nakapiring kasi ang dalawang mata ko kaya hindi ko alam kung saan kami papunta. Pero, sinabi niya kanina na may surprise siya sa akin. Hindi kami pumasok sa school dahil gusto niya i-celebrate itong Monthsary namin.
"Basta malapit na tayo." Rinig kong sabi niya.
Hindi ko din alam kong ilang oras o minuto na kaming nagba-biyahe hindi ko naman kasi binibilang o iniisip. Tumahimik na lang ako at pinakiramdam ang nangyayari sa paligid.
"We're here, Labs." Nang maramdaman kong huminto na ang kotse ni Bakulaw nagpasalamat ako dahil sa wakas nakarating na rin kami sa aming pupuntahan. Unang lumabas si Bakulaw pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse niya.
"Bakulaw na saan na ba tayo?" Muling pagtatanong ko sa kaniya.
Ewan ko ba sa lalaking 'to at bakit kailangan niya pa akong piringan.
"Are you ready, Labs?"
"Paano naman ako magiging ready kung hindi ko naman alam kong nasaan tayo." Naiinis na sabi ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya kinapa ko siya at nang mahuli ko ang braso niya kinurot ko ito na ikinadaing niya.
"Nakakainis ka talaga, Bakulaw!"
Tumalikod ako sa kaniya at napa cross-arm.
"Tampo naman ang Labs ko. Heto na nga kukunin ko na nga ang piring."
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at unting-unti niya inalis ang piring sa aking dalawang mata no'ng una medyo malabo pa pero kalaunan naging malinaw nasa akin kung ano ang nasa paligid ko.
Napatakip ako ng bibig ko at hindi ko ineexpect na dito ako dadalhin ni Bakulaw.
Dati palagi ko sinasabi kay Bakulaw na gusto ko ulit bumalik dito pero lagi niya namang sinasabi sa akin na sa susunod na monthsary na lang daw namin kami pupunta. Ilang monthsary ang lumipas sa amin pero hindi naman niya tinupad ang sinabi niya kaya nawalan na ako ng pag-asa. Pero, ngayon hindi ko ineexpect na tutuparin niya pala.
Tinupad niya nga na babalik kami dito sa Zydeco's Beach Resort at sobrang saya ko. At dahil sa saya na naramdaman ko hindi ko napigilan na mapaluha. Isa kasi ang Zydeco's Beach Resort sa pinaka paborito kong lugar simula ng pumunta kami dito noong nakaraang taon.
I really love this place so much.
Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Bakulaw mula sa likod ko.
"Are you happy, Labs?" Pagtatanong niya sa akin habang nakatingin ako sa taas kung saan nakaukit ang pangalan ng resort.
Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Hinarap ko siya sa likod ko at hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ko ito.
"Thank you so much, Henzein. Hindi mo alam kong gaano mo ako pinasaya ngayon.
I love you."
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...