Chapter 28 (Jayzen Cranston)

345 60 4
                                    

Continuation....

Danni's (Point Of View)

Pauwi na ako ngayon at syempre ihahatid ako ni Bakulaw. Medyo hindi pa rin ako okay pero kailangan ko kayanin. Mahapdi pa ang likod at tiyan ko, pero hindi ko kailangan maging mahina sa harap ni Papa. Kapag nalaman niya na nakipag away ako baka magalit naman siya sa akin at ma grounded pa ako.

Inalis ko ang benda sa kamay ko dahil hindi na naman siya naapektuhan pero may bakas ng pasa. Pero, 'yong sa tiyan ko may benda pa tuwing yuyuko ako hindi talaga mawala ang sakit. Ang lakas kasi sumipa ng babaeng iyon tapos may takon pa naman ang suot niyang boots kaya bumakat talaga sa tiyan ko at nagkasugat-sugat ganun din sa likod ko. Sa mukha ko naman g*gers first time kung maglagay ng foundation para hindi makita 'yong pasa ko syempre nagpatulong ako kay Bakulaw.

"Labs, We're here." Pagka park ni Bakulaw ng kotse niya sa gilid ng kalsada una siyang lumabas at umiikot siya sa kabila para pagbuksan ako. Nagpasalamat ako sa kaniya na ikinangiti niya lang sa akin.

Hinikayat na ako ni Bakulaw na pumasok na sa loob ng bahay namin. Pero, bago iyon natuon ang tingin ko sa naka park na kotse hindi kalayuan sa pinarkingan ng kotse ni Bakulaw. Porsche ang name ng model ng kotse at kulay itim ito.

Napakunot naman ang noo ko. Kanino kotse to?

"Labs!"

Tinawag na ako ni Bakulaw kaya naglakad na ako papasok sa loob ng gate ng bahay namin.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay may narinig kaming nagtatawanan na nagmumula sa kusina. Pinuntahan namin ni Bakulaw at pagdating namin naabutan namin si Papa na nagluluto. May nakatalikod na lalaki sa amin sa pinto, pero wala akong ka ide-ideya kung sino ito. Nakaupo siya sa silya at magkaharap sila Papa habang nag-uusap.

"Pa!"

Napatigil si Papa sa paghahalo nang mapatingin siya sa amin.

"Ohh, Anak. Andito ka na pala."

Naglakad ako palapit kay Papa at niyakap siya.

"Bakit ikaw po ang nagluluto? Nasaan po si Manang Fee?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Pina day off ko muna siya. At isa pa may dumating na espesyal na bisita kaya napag-isipan ko na magluto at hindi na magpadeliver pa."

Napatingin ako sa niluluto ni Papa at mechado ito. Actually, matagal nang hindi nakapagluto si Papa ng mechado simula no'ng mag migrate sila Zen-Zen sa Germany favorite dish kasi ni Zen-Zen ang mechado. Isa pala si Zen-Zen sa kababata ko. Hindi ko nga alam kong bakit nagluto si Papa ngayon e, wala naman dito si Zen-Zen. Haysst! Kalungkot namiss ko na ang tukmol na 'yon.

"Ehem!"

May tumikhim sa likod ko at unting-unti ko itong hinarap. Parang nag slow mo naman ang paligid ko ng mapatingin ako sa lalaking nakaupo kanina sa silya nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam, pero may tumulo na lang na luha sa mata ko hindi sa lungkot. It's tears of joy!

"Zen-Zen?"

Kinusot ko pa ang dalawang mata ko at sinampal-sampal ko pa ang pagmumukha ko dahil baka nanaginip lang ako.

"Hey! Stop slapping your cheeks, Dan-Dan."

Pinigilan niya ako sa pamamagitan sa paghawak niya sa dalawang pulso ko. Napatingin ako sa mga mata niya na kulay blue at nang maconfirm ko na totoo nga siya ang nasa harap ko hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at niyakap ko siya.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon