Chapter 50 (She's Back)

321 46 1
                                    

Someone's (Point Of View)

I'm here now in my condo. Nagpakalasing ako ngayon dahil sa bwesit na lalaking iyon. Never pa ako ng reject ng sinuman pero 'yong g*gong 'yon ayaw pa sa akin. Ayaw pa niya lahat ibibigay ko pati ang katawan ko, pero ang choosy niya, at pinili niya pang manatili sa girlfriend niya na sinaktan siya.

Tumungga ako ng red horse na hawak ko nang biglang tumunog ang bell ng pinto.

Napairap naman ako sa kawalan dahil kung sinuman ito inistorbo pa ako.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa couch at naglakad papunta sa pinto. Pinihit ko ang siradura ng pinto at pagkabukas ko...

"Ano ba isto--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at nanlaki ang dalawang mata ko sa taong nasa harapan ko ngayon. Hinubad niya ang suot niyang shade at ngumising tumingin sa akin.

"I'm back.."

Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang tuhod ko at napalunok pa ako ng ilang beses.

"P-Paano ka nalabas? I mean, Paano ka nakarating dito pabalik sa Pilipinas?"

Parang nawala ang pagkalasing ko ng makita ko siya muli.

"Wala ka ng pakialam doon at baka naman pwede mo kaming papasukin sa loob ng condo mo."

Napatingin ako sa tatlong lalaki na nasa likod niya at ang lalaki ng mga katawan nila. Mga seryoso ang mukha nila at nakita ko pa na may nakakabit na baril sa tagiliran nila.

Tumango ako sinabi niya at pumagilid ako para makadaan sila.

Paano niya nakilala ang tatlong lalaking iyon? Paano siya nakalabas sa mental hospital? Parang masisira ang utak ko sa kakaisip sa mga katanungan ko na hindi naman masasagot.

"Nagpapakalasing ka ha,"

Hindi pinansin ang sinabi niya at umupo ako sa inupuan ko kaninang single couch.

May kinuha siyang baso at naglagay ng wine.

"Remember, kung ano ang pinag-usapan natin before bago mo ginawa ang mission mo na kapag nakabalik na ako tapos na ang pagseserbisyo mo."

"Yeah, ngayon ibigay muna sa akin ang full payment. Total andito ka na ikaw na ang magpatuloy sa sinimulan ko dahil lalayo na ako."

Tumingin siya sa akin at tumawa ng pagak. Napatayo ako sa gulat nang ibuhos niya sa akin ang wine na hawak niya.

"Sa tingin mo ibibigay ko pa iyon sa'yo matapos ang ginawa mo. Niloko mo ako! Binalaan nakita na huwag na magkagusto sa lalaking iyon pero ano, senekreto mo pa sa akin! Ang akin ay akin lang!" 

Natigilan ako sa sinabi niya.

"H-How did you know?"

Nakangisi naman siya sa tanong ko.

"Baka nakakalimutan mo lumilipad ang balita. Instead na pera ang ibigay ko sa'yo kaparusahan mo na lang."

Kinabahan naman ako sa sinabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Pero, imbis na sagutin niya ako nakitang kong napatakip siya ng ilong niya gamit ang hawak niyang panyo na ikinataka ko. Mayamaya lang nakaramdam ako ng hilo na ikinahawak ko sa ulo ko. Unting-unti na dumidilim ang paligid ko.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon