Winter's (Point Of View)
Tinupad ko ang pinangako ko kay Ziana kahapon. Ngayon nandito kami sa amusement park. Kakatapos lang namin pumunta sa ocean park.
May responsibilidad ako bilang boyfriend kay Ziana. Kaya minsan kapag hindi ako busy pinagbibigyan ko siya na mag-date kami. Mabuti na lang pumunta si Taroy sa mansion at may kasama si Summer. Hindi naman nagsti-stay sina Autumn at Spring sa mansion dahil busy rin sila sa mga babae nila. Speaking of Taroy, mabuti naman at pinayagan siya ni Thalia na puntahan si Summer. Still now, Thalia and Reeve are cool off kaya alam ko si Taroy ngayon ang sandigan ng Ate niya.
Hindi ko rin pwede iwan si Summer na mag-isa sa mga maid namin, dahil busy sila sa mga trabaho nila. That's why hindi ko sila pinababantayan kay Summer dahil hindi nila ito matututukan. Summer is weak and clumsy. Mayroon din siyang asthma kaya kailangan niya ng taong maga-guide sa kaniya.
“Pwede na kayong sumakay, Ma'am and Sir.” Nakangiti na sabi sa amin ng isa sa mga staff ng rides, matapos ibigay ni Ziana sa lalaking staff na nagbabantay ang tickets namin.
Umalis kami sa pila at ginuide kami para makasakay kami sa ferris wheel. Pero pinatigil ko sila dahil hindi na nila kailangan pang i-guide dahil kaya ko naman ang sarili ko at kaya ko ring i-handle si Ziana. Nang makaupo na si Ziana sa kabilang upuan umupo na ako sa tabi niya. I click my seat belt at gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya. This is for our own protection.
Nang makita nilang secured na ang lahat ng mga riders, sumenyas ang isang staff sa operator ng ferris wheel na paandarin na ito. Pagkatapos ng ilang minuto umandar na ang ferris wheel.
Naiinis ako sa mga babaeng sumisigaw dahil naiingayan ako sa mga boses nila at para silang kinatay na baboy kapag tumili.
Napatingin ako kay Ziana nang yakapin niya ako. Maybe, natatakot siyang tumingin sa baba ng ferris wheel.
Nahihilo na ako at pakiramdam ko magsusuka na ako.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Kinapa ko ito habang nakakapit ang kanang kamay ko sa bakal. Tiningnan ko sa screen kung sino ang tumatawag and it was Blast.
I press the green bottom at tinapat ko ang cellphone sa kaliwang tainga ko.
“Hello, Blast....”
(“ ahshxhshshgshsusvs.”)
Napakunot ako ng noo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Shit!
I hang up the call at napagdesisyunan kong pagkatapos namin sumakay dito ni Ziana ako na ang tatawag sa kaniya.
Pagkatapos ng 30 minutes tumigil na ang ferris wheel. Mabilis akong tumalon at naghanap ng masusukahan ko. Hindi ko na kaya. Shit!
“Winter, are you okay?”
Mukha ba akong okay?
May inabot siyang bottled water na agad ko naman tinanggap.
I wipe my mouth first, before I open the lids of the bottled water.
Tumalikod ako kay Ziana at uminom.
Inubos ko ang tubig at tinapon ito sa katabi kong trash can.
“Winter, I'm really sorry. Sana hindi na lang kita pinilit na sumakay tayo sa ferris wheel. Sana hindi pa aabot sa ganito.” Narinig ko sa boses niya ang pagkabigo.
Humarap naman ako sa kaniya.
“No, it's okay. Kalimutan mo na lang,”
Napangiti naman siya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...