Jayzen's (Point Of View)
Uwian na namin. Palabas na sana nang Senior High building si Henzein nang habulin ko siya at tawagin.
"Henzein!"
Napatigil naman siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. Tila hinihintay niya ang susunod na sasabihin ko habang nakapamulsa siya. Hinihingal akong lumapit sa kanya.
"Can we talk?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot pero mayamaya lang nilingon niya ako.
"Okay."
---
Nandito kami ngayon sa rooftop. Nakasandal kami pareho sa railings habang pinapanood ang magandang view sa labas ng SEGIHS.
"Ahm... Henzein, I'm really sorry kung si Danni ang ginamit ko na magpanggap na girlfriend ko. Please, huwag mo siyang sisihin dahil kasalanan ko ang lahat."
Nabigla ako nang lingunin ako ni Henzein at kwelyuhan.
"I don't care about your explanation! Sana hindi ka na lang bumalik e, 'di sana hindi pa nagkawatak-watak ang relasyon namin!"
Medyo natigilan ako sa sinabi niya.
I know na simula bata pa lang kami ayaw na ni Henzein sa akin. Ayaw niya na maging kaibigan ako. Ayaw niya na lagi kong kasama at kalaro si Danni dahil nagseselos at na-iinggit siya.Pero, hindi niya naman siguro ako kailangan itaboy? Hindi ko naman aagawin sa kaniya si Danni dahil kabigan lang ang turing namin sa isa't-isa.
"Alam kong galit na galit ka sa akin Henzein pero huwag ka naman sana maging selfish. Danni is my childhood friend. Huwag mo naman sanang pairalin ang pagiging seloso mo. Kaya hindi na nakakapagtaka pa kong balang araw hihiwalayan ka niya."
Minsan pinilipit kong hindi siya sagutin pero this time kailangan kong ipaitindi sa kaniya ang side ko.
Isang malakas na suntok ang natanggap ko mula sa kaniya na ikinabagsak ko sa sahig. Nalasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko at napahawak ako sa ilong ko nang may tumulong dugo mula dito.
Ang lakas niya isang suntok lang napadugo niya na ang gilid ng labi ko at ilong.
"Hinding-hindi iyan mangyayari, Jerk! Hindi makikipaghiwalay sa akin si Danna dahil lang sa pagiging seloso ko or, dahil lang sa'yo!"
Napatawa naman ako ng pagak at tumayo.
Ayoko na makipagsatsatan pa kay Henzein dahil kapag tumagal pa itong usapan namin baka hindi lang malakas na suntok ang aabutin ko sa kanya.
"Then, kapag hindi mo siya pinatawad, I will make sure na mahuhulog siya sa akin." Nakangisi na sabi ko sa kaniya at nakita kong umasim ang mukha niya.
Just kidding. Gusto ko lang siya inisin.
Bago pa niya ulit ako hawakan sa kwelyo ko tumalikod na ako sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala kapag handa ka ng patawarin siya tutulungan kita."
May huling sinigaw siya sa akin bago ako makalabas ng pinto ng rooftop.
"You are f*cking jerk!'
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Haysst! Kahit kailan talaga napakainitin ng ulo niya.
Henzein's (Point Of View)
Ang g*gong iyon, He's getting on my nerves!
As if naman maghihiwalay kami ni Danna dahil lang sa kaniya o sa misunderstanding namin.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...