Chapter 54 (Defeated)

270 45 0
                                    

Continuation...

Danni's (Point Of View)

Wala na si Tracey patay na siya. Kanina kasi pagkatapos namin makalabas ng silid kung saan kami itinali nakipaglaban pa kami sa mga tauhan ni Xeynon. Bigla na lang siya sumulpot at sinakal ako at may itinutok siya na baril sa sentido ko.

Nagising na pala siya mula sa pagkakasapak sa kaniya ni Blast.

Binantaan niya si Henzein na kapag hindi siya sumama dito papatayin niya na talaga ako pero kinompronta siya ni Henzein na hinding-hindi siya sasama kay Tracey at kahit mawala man daw ako lang ang babaeng mamahalin niya at hindi na iyon magbabago pa.

Dahil sa galit ni Tracey at dahil sa kawalan ng pag-asa siya mismo ang tumapos sa sarili niya. Itinulak niya ako sa pader na ikinauntog ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata namin at nagulat kami nina Henzein ng sinadya niyang tumalon sa ikalabing tatlong palapag.

"Kung hindi mo ako kayang mahalin at kung hindi ka man lang mapupunta sa akin, Henzein. Mas mabuti pang mamatay na lang ako!" Ang huling sinabi ni Tracey bago siya tumalon dinungaw namin siya sa baba at napatakip na lang ako ng bibig dahil nakahandusay siya sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

Nagpakamatay siya nang dahil lang sa pagmamahal niya kay Henzein. Ang babaw ng dahilan niya para tapusin ang sarili niya kaya ko siya bigyan ng second chance kapag nagbago siya pero huli na ang lahat dahil wala na si Tracey.

Ngayon andito ako sa rooftop at sa wakas nakita ko na ang rin pagmumukha ng taong pumatay sa Kuya ko at kay Kuya Pythone. Wala man ngayon dito si Nathan pero ako na mismo ang gagawa sa plano niyang gawin sa hayop na kriminal na Xeynon na 'to.

Umiiyak si Mariebella habang nakayakap kay Ate Frazee. Samantalang, nakatutok ang hawak na baril ni Xeynon sa ulo ni Ate Frazee.

"Pakawalan mo na sila Xeynon! Ako ang harapin mong hayop ka!" Galit na sigaw ko kay Xeynon. Pero, hinalakhakan lang ako ng h*yop.

Nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan ko dahil sa natamo ko galing kay Tracey pero dapat maging malakas ako dahil kaharap ko na si Xeynon hindi na dapat siyang makawala pa.

"At bakit naman kita susundin? Mag-ina ko sila!" Sigaw niya.

Mag-ina? Mag-ina pa ba tawag sa binabantaan niya si Ate Frazee at si Mariebella na umiiyak dahil sa takot.

"Duwag ka, Xeynon! Mula no'ng buhay pa ang Kuya ko mahina ka na at duwag! Kaya ka kinakain ng insecurities at selos mo dahil walang nagmamahal sa'yo dahil mahina ka! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na talunan ka at kahit kailangan hindi lahat ng gusto mo mapapasayo!!"

Mababakas sa mukha niya ang galit at pag-igting ng panga niya.

Pinaputukan niya ako ng baril at dahil sa mabilis sa pangyayari natamaan ako sa isnag tuhod ko kaya napaluhod na lang ako sa sakit.

P*tcha!

"Danni!" Rinig kong sigaw ni Ate Frazee.

Ang hapdi at sakit na nararamdaman ko biglang napalitan ng pagngisi nang makapa ko sa tagiliran ko ang swiss knife ni Tracey na isinuksok.

Nilingon ko si Xeynon na nakangisi at hinagis ko sa isang kamay niya ang swiss knife na ikinahulog ng hawak niyang baril. Napatili naman siya sa sakit at bigla niyang nabitawan si Ate Frazee kaya nakalayo silang dalawa ni Mariebella kay Xeynon.

Paika-ika akong lumapit kay Xeynon na nakahawak sa kamay niya na natuhog ng swiss knife. Namimilipit siya sa sakit.

Buong lakas ko siyang sinipa sa ulo niya na ikinabagsak niya.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon