Chapter 8 (Flirty Bitch Girl)

558 89 9
                                    

Rhiane's (Point of View)

Hindi kami nakaabot ng isang linggong summer vacation sa Siargao Beach dahil nga sa nangyari between kina Ate Thalia and Kuya Reeve. Wala na kaming nagawa pa kundi sundin ang gusto ni Kuya Reeve. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Ano pa ang silbi ng pagstay namin kung hindi na kami kompleto. Nakakalungkot man, pero always stay positive lang.

"Autumn."

Mula ng makauwi kami hindi pa rin nagigising si Autumn. Dinala ko na lang siya dito sa amin since wala naman ang parents ko dito dahil nasa business trip sila sa Japan. Ako na lang at ang dalawang maids ko ang kasama ko sa bahay. At isa pa, hindi ko pwede ipaubaya si Autumn sa dalawang ka quadruplets niya dahil obligation rin nina Spring at Winter si Summer matapos mag hysterical kagabi dahil sa pagsama ni Ate Thalia kay Taroy pauwi. Kaya no choice ako kundi dalhin siya dito sa bahay. May obligasyon at responsibilidad rin naman ako sa kaniya, dahil boyfriend ko siya.

"Autumn, wake up." Muling paggising ko sa kaniya sa paraan ng pagyugyog ko sa kanang braso niya.

Umungol siya at nagpagulong-gulong sa queen-sized bed ko na ikinahinga ko ng malalim.

(Cellphone Ringing...)

Napalingon ako nang tingin sa cellphone ni Autumn na nakapatong sa study table ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko at kinuha ko ang cellphone niya. Tiningnan ko sa screen kung sinong tumatawag sa kaniya, pero unregistered number.

Sasagutin ko sana nang mamatay ito.

(Tweet!)

Ibabalik ko na sana ang cellphone niya sa study table nang isang message ang nag pop in sa notification at same unregistered number na tumawag sa kaniya hindi katagalan nagtext sa kaniya. Binuksan ko ang message at binasa.

From: +63909*******

"Hi! Autumn, It's me Shena. Remember me? Well, ako lang naman 'yong isa sa mga nakasayaw mo kagabi sa bar. Tumawag ako sa'yo, pero hindi mo naman sinagot ang call ko. Kaya menessage na lang kita. By the way, how's your sleep, Cutie Boy? (Insert wink emoji).

Shena? Isa sa mga nakasayaw sa bar? Bigla namang uminit ang ulo ko at mahigpit kong hinawakan ang cellphone ni Autumn.

Kaya pala ayaw niyang magising dahil napagod siya sa kakasayaw sa mga babae" lalo na sa FLIRT na babaeng iyon!

Hinarap ko si Autumn na nakatalikod sa akin. Gamit ang kanang paa ko itinulak ko siya na ikinahulog niya sa kama ko. Mayamaya lang napaupo siya pero nakapikit ng kaunti ang kaniyang dalawang mata.

"Honeybunch, bakit mo ako itinulak? Kita mong natutulog pa ako e!" Mababakas sa boses niya ang pagkabitin sa tulog.

Pero wala akong pakialam. He needs to explain me.

Binato ko sa mukha niya ang hawak kung cellphone niya na ikindilat ng dalawang mata niya dahil sumapol ito sa noo niya.

"Honeybunch, bakit mo binato sa mukha ko ang cellphone ko? Ang sakit ah!" Protesta niya at hinimas-himas ang noo niya. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo sa sahig.

"Basahin mo 'yang message mula kay Shena, then explain me!"

Kita ko ang pagkunot ng noo niya pero sinunod niya naman ang sinigaw ko sa kaniya. Pagkatapos niyang basahin ang tenext sa kaniya ng FLIRTY GIRL na 'yon, tumalon siya sa kama ko at lalapit na sa akin nang umatras ako at lumayo sa kaniya.

"Honeybunch, let me explain kasi."

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Are you deaf? Sinabi ko nga na mag-explain ka!"

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon