Chapter 55 (He's Alive)

419 47 1
                                    

Danni's (Point Of View)

Naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada habang pakanta-kanta.

Parang nararamdaman ko na ngayon ang kapayapaan ng paligid ko.

Papunta kasi ako ngayon sa bahay nila Kuya Reeve dahil nakiusap sa akin si Tita Camia na kung pwede daw bisitahin ko ang bahay nila na ikinapayag ko naman since wala naman akong gagawin ngayong araw.

It's been five days past matapos ang nangyari between sa amin ni Xeynon at ang pagkahuli sa kaniya. Nakaramdam ako ng awa kay Mariebella dahil matinding pagka trauma ang kaniyang naidulot. Gumagawa naman ng way si Ate Frazee para maibalik sa dati si Mariebella.

About naman kay Tracey after malaman ng parents niya ang nangyari sa kaniya wala na silang nagawa pa kundi tanggapin na lang na wala na siya. Kahapon siya inilibing sa isang sementeryo kung saan din nakalibing si Trace ang Kuya niya.

Napakabata pa ni Tracey para mawala pero mas pinili niya na lumisan na lang sa mundong ito dahil pakiramdam niya walang siyang halaga at wala ng nagmamahal sa kanya. Maaga man siya nawala at kahit marami na siyang nagawang masama sa akin pinapatawad ko na siya.

Ang sarap sa loob magpatawad maliban kay Xeynon dahil kahit kailan hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Speaking of him. Hinatulan na siya ng korte ng habang buhay na pagkakakulong. Masayang-masaya ako dahil nabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay nina Kuya at Kuya Pythone. Magiging tahimik na rin ang kaluluwa nila.

Kahit sina Papa at Mama masayang-masaya rin dahil sa wakas nasa kulungan na si Xeynon para pagbayaran niya ang krimen na nagawa niya. Kasama niyang nakulong ang mga tauhan niya.

'Yong natamong sugat ko naman at saksak salamat sa diyos dahil unti-unting humihilom na.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila Kuya Reeve nakabukas ang gate kaya pumasok na lang ako. Nag doorbell ako pagdating ko sa harap ng pinto at mayamaya lang bumukas ito at tumambad sa akin ang isa sa mga katulong nila.

"Kayo po pala, Ma'am Danni. Magandang umaga po." Nakayukong pagbati niya sa akin.

"Good Morning."

Pinapasok niya ako sa loob kaya pumasok ako. Naglilinis pala sila ng Bahay. Umakyat ako sa taas at naabutan ko ang isang katulong na nililinis ang kwarto ni Kuya Reeve.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Kuya Reeve at inagaw sa katulong ang vacuum na hawak niya.

"Ako na ang tatapos sa paglilinis sa kwarto ni Kuya Reeve." Nakangiti na sabi ko sa kaniya.

"Sige po, Ma'am Danni."

Naglakad na siya palabas ng kwarto ni Kuya Reeve kaya nag-umpisa na akong mag vacuum. Malinis naman at maaliwalas ang kwarto ni Kuya Reeve ni wala ngang alikabok.

Habang nagva-vacuum ako nabaling ang tingin ko sa ilalim ng kama ni Kuya Reeve may nakita kasi akong maliit na box na may padlock.

Bigla naman akong na curious kaya tumigil muna ako sa pagva-vacuum at pinatay ito. Tinayo ko ang kama ni Kuya Reeve at umupo ako sa sahig tsaka ko kinuha ang maliit na box.

Ano kaya ang laman nito?
Hindi ko naman mabuksan dahil may padlock.

Hmm... Kinuha ko ang hairpin na nakaipit sa buhok ko at ito ang ginawang susi ko. Lumiwanag naman ang mukha ko dahil nabuksan ko.

Naalala ko kasi bigla 'yong ibang mga tricks ng mga kaklase ko na pwede daw gawing susi ang hairpin. No'ng una hindi ako naniwala kasi napaka imposible naman 'yon pero nang itry ko ngayon hindi ko ineexpect na totoo pala.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon