Continuation...
Danni's (Point Of View)
Hindi pa kami pwede tumawag ng mga pulis dahil hindi pa naman 24 hours nawawala si Mariebella.
Sobrang nag-alala na si Ate Frazee 5th Birthday pa naman ngayon ni Mariebella tapos ganito ang mangyayari.
Si Henzein naman panay ang tawag sa akin nasa bahay na pala siya ng makarating ako dito kina Ate Frazee. Tinext ko na lang sa kaniya ang address nila Ate Frazee para makasunod siya sa akin dito.
"Hindi ko kaya mawala si Mariebella siya na lang ang mayroon ako." Umiiyak na sabi ni Ate Frazee.
Lumapit naman kami nina Ate Jammy at Ate Valerie at niyakap siya.
"Nandito lang kami Ate Frazee magtiwala lang tayo sa Diyos mahahanap rin po natin si Mariebella."
Napatingin naman sa akin si Ate Frazee.
"Thank you, Danni."
Isang matamis lang na ngiti ang isinagot ko sa kaniya.
Napalayo naman kami kay Ate Frazee nang mag ring ang cellphone niya. Agad niya naman itong sinagot.
("How are you now, Frazee.")
Hindi lang si Ate Frazee ang natigilan kundi pati kami nina Ate Jammy at Ate Valerie dahil sa bumungad na boses. Ni loudspeak kasi ni Ate Frazee para marinig rin namin.
"Xeynon.."
Napakuyom naman ako ng dalawang kamao ko. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Napalitan ito ng galit at hinagpis.
(Yes, Miss me.")
"Ano ang kailangan mo?!" Galit na sigaw na pagtatanong sa kaniya ni Ate Frazee.
Himala at lumabas na siya sa lungga niya.
("Ayaw mo ba makasama ang anak natin?")
Nagulat naman kami sa sinabi niya.
"Sinasabi ko na nga ba kinidnap niya si Mariebella." Sabi ni Ate Jammy.
"Hayop kang lalaki ka! Ibalik mo sa akin ang anak ko!"
("Nah, nah. Our daughter, Frazee. Today is her birthday, right? Gusto ko makasama ang anak ko na itinago mo sa akin limang taon na ang nakakalipas.")
Napahagulhol sa pag-iyak si Ate Frazee.
"Ibalik mo sa akin ang anak ko, Xeynon! Layuan muna kami!"
Narinig naman ang mala demonyo niyang tawa sa kabilang banda.
("At sinong nagsabi na ibabalik ko si Mariebella sa'yo? Sa akin na ang anak natin, Frazee. Pero, kung gusto mo makasama siya sumama ka na rin sa akin. Magsimula tayo ulit.")
Nakitang kong napakuyom ng kamao si Ate Frazee. Hinawakan ko ang balikat niya na ikinalingon niya sa akin.
"Pumayag ka, Ate Frazee." Mahinang boses na sabi ko sa kaniya.
May biglang namuo na plano sa isip ko.
Tumango naman si Ate Frazee.
"Sige pumapayag ako sa gusto mo, Xeynon."
Kahit hindi ko nakikita alam kong nakangisi ang hayop na lalaking 'yon.
("Sabi ko na nga ba at hindi mo ako din ako matiis. I will send you the address. Hurry up, Babe. Hihintayin ka namin ni Mariebella after that aalis tayong tatlo. Lalayo na tayo. Oh, By the way, wala dapat makakalam nito kundi ikaw lang at huwag na huwag kang tumawag ng pulis kung ayaw mong tuluyan ko ng ilayo sa'yo ang anak natin.")
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...