Chapter 3 (Buffalo Gangster)

780 97 1
                                    

Reeve's (Point of View)

Kanina ko pa tinatawagan si Thalia, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko at nagri-ring lang ito pati na rin ang kay Danni.

Sinubukan ko muli, pero gano'n pa din.

"Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap." Bugtong ni Spring.

"Si Clarissa." Sagot ni Taroy.

Nakatanggap naman ng batok si Taroy mula kay Spring.

"B*bo. Bagay hindi tao!" Sigaw ni Spring.

"Ayyy. Pero, BAGAY kayo ni Clarissa, 'di ba? Yieeee." Pang-aasar ni Taroy kay Spring.

Napa face palm naman si Spring.

"Ugok ka talaga. Sagutin mo na ang bugtong ko!"

"Hmm...Pag-iisipan ko muna," Sabi ni Taroy at pinatong niya sa baba niya ang kaniyang hintuturo na para bang nag-iisip.

"Huwag ka ng mag-isip pa, puro mali naman ang sagot mo. Nakakapagtaka tuloy kung paano ka nagustuhan ng kapatid ko," Spring

"Ouch! Ang harsh mo naman sa akin, Pakner." Nakahawak sa kaniyang dibdib si Taroy na tila nasaktan sa sinabi sa kaniya ni Spring.

Kanina pa sila nagbubuntungan habang naghihintay kami sa mga girls at hanggang ngayon hindi pa rin masagot ng tama ni Taroy ang bugtong sa kaniya ni Spring. Nagi-isip nga, pero puro naman mali.

"Pssh. Ang b*bo mo talaga sa bugtungan!" Spring

Nagsitawanan naman sina Nathan at Autumn habang umiinom ng beer in can na ikinaling-iling ko. Alam ni Spring na pagdating sa bugtungan b*bo si Taroy pero pinatulan niya pa napahikbi tuloy ang isa.

"Ano na sagot na ba ni Thalia ang tawag mo?"

Nilingon ko si Trent na nasa tabi ko na pala.

"No." Tanging sagot ko sa kaniya.

"Kanina mo pa tinatawagan, pero wala pa rin sila. Ano pa kaya ang ginagawa nila sa hotel at ang tagal nila?"

"Bakit hindi mo tawagan si Charmaine?"

Natahimik naman siya bigla sa sinabi ko. Hindi pa talaga sila nagkakabati ha, maliit na bagay pinapalaki pa. Sa MU tuloy ang bagsak nila.

"Guys, I think you need to watch this."

Lahat kami napatingin kay Kirby na may hawak na cellphone at mula sa pagkakaupo sa sun lounger, napatayo siya.

"Why? What happened?" Pagtatanong ni Winter kay Kirby at napaupo naman mula sa pagkakahiga sa duyan.

Naglakad palapit sa kaniya si Kirby na ikinasunod namin pati ni Henzein na bagong dating lang na galing sa pangpang ng dagat.

"What happened?" Pagtatanong sa amin ni Henzein.

"Nasa live si Danni mga 5 minutes ago." Pagsagot ni Kirby sa kaniyang tanong.

Nang marinig ko ang pangalan ni Danni, mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at inagaw ko sa kamay niya ang hawak niyang cellphone.

Nanlaki ang dalawang mata ko sa napanood ko. Si... Si Danni nasa live video at nakikipag-away sa BUFFALO GANGSTER! Sa sobrang gulat ko hindi ko na napansin na nabitawan ko na pala ang cellphone ni Kirby.

"Shit!"

Tumakbo ako palayo sa kanila upang puntahan ang pinangyarihan ng away. Tinawag pa nila ang pangalan ko pero hindi ko na sila inatubiling lingunin. Danni needs me. Shit! The Buffalo Gangster is one of the wanted group in gangster world isa rin sila sa grupo na tinalo ni Danni sa gang's underground. Maybe, andito sila para maghiganti.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon