Chapter 15 (Leyons Gangster)

413 73 0
                                    

Danni's (Point Of View)

"Nan...diyan! Ohh! Ang sarap!"

Nagpapamasahe kasi ako kay Bakulaw. Remember nung pinuntahan namin si Kuya Reeve sa bahay nila Ate Thalia para uwiin siya nadulas ako sa pagpapatayo sa kaniya kaya sumakit ang balakang ko. Akala ko nga titigil na ang sakit kasi ilang gamot na ang ininom kong pain reliever pero hanggang ngayon sumasakit pa rin ang balakang ko.

"Labs, I'm done."

Tinulungan ako ni Bakulaw na paupuin sa kama ko. Sinandal ko ang ulo ko sa head board ng kama para hindi sumakit ang likod ko.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Pagtatanong niya sa akin at nilagay niya ang efficascent oil sa study table ko.

"Medyo gumaan na ang pakiramdam ko at parang nawala ang sakit ng balakang ko. Thank you, Bakulaw." Nakangiti na pasasalamat ko sa kaniya.

"Anything for you, Labs." Umusog siya palapit sa akin at hinalikan niya ang noo ko. "I love you." Dagdag na sabi niya.

Ring! Ring! Ring!

Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko na nakapatong sa taas ng study table. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ano ang tumatawag sa akin. Si Kuya Reeve lang pala agad ko naman itong sinagot at tinapat ang cellphone sa kaliwang tainga ko.

"Hello, Kuya Reeve?"

Nakarinig ako ng sigawan at mga nabasag na gamit sa kabilang banda. Mabilis kong nilayo ang cellphone dahil sa tindi ng boses nila na nag-eecho kasi parang masira ang eardrums ko ang sakit sa tainga pakinggan. Ni loud speak ko na lang para marinig din ni Henzein.

("Hello po, Isa po akong bartender dito sa Will's Bar. Nasa akin po ang cellphone ni Sir Reeve. Pwede niyo po ba siya puntahan dito may mga kaaway po kasi siyang grupo ng kalalakihan.")

Huli na pumasok sa utak ko ang sinabi ng bartender. At anong sabi niya may mga kaaway si Kuya Reeve na grupo ng kalalakihan? Nasa bar si Kuya Reeve na naman! At nang ganitong oras?! Kay aga-aga ha!

Pinatay ko ang tawag dahil wala naman akong sasabihin sa bartender. Tumayo ako sa pagkakasandal sa kama at niyaya ko na si Bakulaw na umalis.

Baka kasi sa hospital ang bagsak ni Kuya Reeve kapag hindi namin naabutan ang away nila. Haysst! Naglasing naman siya. Paano sila magkakabati ni Ate Thalia kung ang tigas-tigas ng ulo niya. (Napailing-iling).

"Bakulaw, pakibilisan mo!"

Kanina ko pa sinisigawan si Henzein para lang bilisan niya ang pagmamaneho ng kotse niya. Hindi na ako makampante at nagpapanic na ako. Paano kung bugbog sarado na si Kuya Reeve? Naku! Isusumbong ko na talaga siya kina Tita Camia at Tito Reese sa araw-araw niyang paglalasing.

"Labs, just calm down, okay? "

Napahinga na lang ako ng malalim.
Sobrang nag nag-aalala na ako sa situation ngayon ni Kuya Reeve. What if nasaksak siya? What if binaril siya? What if pinasagasaan siya? What if... Arggh! Kung ano-ano na ang iniisip mo Danni. Ang O.A ko basta puno ng What IF ang utak ko.

"We're here." Pagkahinto pa lang ni Henzein sa parking lot ng Will's Bar binuksan ko ang pinto ng kotse at agad akong bumaba. Pagkababa ko mabilis akong naglakad papunta sa bar. Nasa right age naman ako kaya pwede na akong pumasok sa mga private at exclusive bars. Nasa kalagitnaan pa lang ako nang paglalakad nang mapatigil ako.

Natuon ang tingin ko sa grupo ng mga kalalakihan na lumabas sa pinto ng bar may kinakaladkad silang isang lalaki na bugbog sarado na. Napakuyom ako ng dalawang kamay dahil sa galit na nararamdaman ko. Si Kuya Reeve. Si Kuya Reeve lang naman ang lalaking hawak-hawak nila.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon