Chapter 27 (Danni Vs. The Leader Of Dark Demon)

388 60 0
                                    

Continuation...

Danni's (Point Of View)

After ng third class namin sa subject na Research naisipan kung mag skip sa last subject namin sa umaga para makapunta ako sa Gang's Underground at makalaban ko ang leader ng Dark Demon Gangster. Actually, mga babae din sila kagaya ko na gangster lima silang lahat. Natalo ko na sila dati sa Gang's Underground pero hindi ko ineexpect na gusto ulit ako makalaban ng leader nila. Ang totoo kasi mas mataas ang rank ko kaysa sa kanila sa Gangster World kaya siguro hindi sila tumitigil hanggang sa hindi ako matalo at maagaw ang mataas na rank sa akin.

Nang maipark mo ang kotse na hiniram ko kay Papa lumabas ako sa driver seat at sinara ang pinto ng kotse. Kanina habang papunta ako dito sa Gang's Underground naka received ako ng 10 calls at 15 unread messages mula kay Bakulaw pero hindi ko siya sinagot at baka malaman niya pa kung saan ako nagpunta mahirap na at baka ipa back out niya pa ako sa laban. Ayaw na kasi niya na lumaban pa ako at dahil matigas pa sa bato ang ulo ko hindi ako nakinig sa kaniya.

Pagkapasok ko sa loob ng Gang's Underground grabi ang hiyawan ng mga ibang Gangster na manonood sa laban namin. Nakasuot pala ako ng Black tube crop top na pinaresan ng black leather jacket, black skirt pero, may suot akong cycling at black killer boots. All black ako dahil nga pinares ko sa code name ko dito sa Gangster World na "Miss Black".

Todo pa din ang hiyawan nila lalo na no'ng umakyat na ako sa battle stage.

P*tcha! Naalala ko pala na live ang laban na ito. Naka set kasi ang mga malaking tv kung saan kita kami dahil sa record camera na tumatama sa amin. Naku! Sigurado akong malalaman nila pag nagkataon magagalit sa akin si Bakulaw. Sana nga hindi mapanood ni Kuya Reeve dahil baka mapektusan na naman ako sa kaniya.

Mas lalo pang dumagungdong ang loob ng Gang's Underground nang pumasok ang Dark Demon Gangster at sa gitna nito ang leader nila. Ang leader nila ay medyo chubby pero mas matangkad sa akin pero wala akong pakialam hindi naman basihan iyan para manalo sila. Pagka akyat ng leader ng Dark Demon sa battle stage ang sama ng tingin niya sa akin.

"It's nice to see you again, Miss Black." Nakangisi niyang sabi sa akin pero imbis na sagutin ko siya tumingin lang ako sa kaniya na walang emosyon ang mababakas.

Umakyat 'yong Gang's Emcee at nagbigay pa ng kaunting speech syempre pinakilala niya din kami after that bumaba na siya at kami naman ng leader ng Dark Demon naghahanda na dahil once tumunog ang bell umpisa na ng laban.

Panay pa rin ang sigawan ng mga manood kami naman ng babaeng 'to nagsusukatan ng tingin. Inaamin ko na maganda siya pero mas maganda pa nga pusa nila Summer sa kaniya. Hahaha. Ang sama ko talaga. Haysst!

Nang tumunog na ang bell una siyang sumugod sa akin. Bago pa tumama ang kamao niya sa mukha ko hinuli ko ito at pinilipit ang braso niya. Napasigaw naman siya sa sakit na ikinangisi ko.

Tsk. Hindi pa nga nangangalahati nasasaktan na siya. So, weak talaga. Inapakan niya ang killer boots kong suot ang kinagat ang kamay ko na nakahawak sa braso niya kaya nabitawan ko siya nasipa niya ako sa tiyan ko na hindi ko napaghandaan kaya napaatras ako. P*tcha! Ang sakit ha.

Syempre, ako ang queen of ring hindi ako magpapatalo sa babaeng 'to. Ako naman ang sumugod sa kaniya pinagsusuntok ko siya hanggang sa tumama ang kamao ko sa mata at ilong niya. Hinawakan ko ang buhok niya at tinuhod nang dalawang beses ang likod niya tsaka ko ito sinipa ng malakas na ikinatilapon niya sa tali ng ring at ikinasuka ng dugo.

Mas lalong nag hiyawan ang mga sumusuporta sa akin.  Nawala ang nakapaskil na ngiti sa labi ko nang bigla na lang niya ako sinakal mula sa likod ko.

"Akala mo ikaw na ang mananalo, Miss Black ha. Matagal ko ng hinihintay na matalo kita para umaangat ang rank namin at malamangan ka namin!"

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon