Chapter 17 (Mina's Child?)

423 66 1
                                    

Spring's (Point Of View)

Napagod na akong sumunod sa kanila pero kailangan ko 'tong gawin. Kailangan kong makausap si Clarissa. I really miss her so much.

Mukha akong baliw sa suot kong outfit. Para akong artista na nagdi-disguise para lang makatakas at makatago sa mga paparazzi para hindi nila ako makilala.

Palabas na sila ng boutique shop nung mabilis akong nagtago sa kaharap kong poste. Pero bigla akong may narealize...
.
.
.

Bakit kailangan ko pang magtago e, nakadisguise na nga ako. Ayy! B*bo ko talaga. (Face palm).

Lumabas ako sa posteng tinataguan ko at napakuyom ako ng kamao nang makita kong magkahawak kamay sila.

P*tcha! Ang sakit sa eyes. Dapat ako ngayon ang nasa pwesto ng Lewes na iyan! Ako ang kasama ni Clarissa, ako ang nasa tabi niya at ako ang ka holding hands niya. Bakit pa kasi umepal pa sa buhay namin si Lewes nagkaproblema pa tuloy kami ni Clarissa!

But I will make sure hindi magtatagal ang pagsasama nila. Dahil kapag natalo ko ang gunggong na iyan magiging akin na ulit si Clarissa.

Nasa harap na sila ng kotse ni Lewes may pinag-uusapan sila pero hindi ko marinig dahil malayo ako sa kinatatayuan nila at sa parking lot.

Tumalikod si Lewes kay Clarissa at naglakad ulit ito pabalik sa boutique shop. Bakit siya bumalik? Baka may nakalimutan lang. Pero sandali lang...

Ito na ang chance ko para makausap ko si Clarissa. Nakasandal siya sa kotse ni Lewes habang naghihintay sa gunggong na 'yon.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa parking lot sa kinahahantangan ni Clarissa habang nagpapalinga-linga ako ng tingin.

"Clarissa.." Sambit ko sa pangalan niya nang makarating ako sa harapan niya. Umalis naman siya sa pagkakasandal sa kotse at kunot-noong tumingin sa akin.

Ayy! Oo nga pala hindi niya ako nakilala dahil sa disguise outfit ko. Hinubad ko ang suot kong hat at shade para makilala niya ako at dito na nga nanlaki ang kanyang mga mata nang makita at makilala niya ako.

"S-Spring.." Utal na sambit niya sa pangalan ko.

"The one and only." Nakangisi na sabi ko sa kaniya. Inilang hakbang ko siya at akmang yayakapin ko na siya nang itulak niya ako palayo sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo? Sinusundan mo ba kami?!" Sunod-sunod na pagtatanong niya sa akin.

"Yes, sinusundan ko nga kayo. I want to see you, Baby, at gusto kitang makausap. I really miss you so much, Clarissa." Nag puppy eyes ako sa kaniya para payagan niya ako ng kausapin siya ng seryoso about sa status namin ngayon at sa kinakaharap naming problema.

"I'm sorry, Spring, pero hindi pa ako handang makipag-usap sa'yo ngayon. Umalis ka na at baka maabutan ka pa ni Raiken. Please.."

Tsk. Nang ako ba nagmakaawa pinagbigyan niya ba ako? Hindi naman ah, kaya hindi ko din siya pagbibigyan sa hiling niya.

"I'm sorry, Clarissa, pero hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nag-uusap." Seryosong boses na sabi ko sa kaniya.

"'Di ba, sinabi ko na sa'yo na ayaw ko ngang makipag-usap sa'yo, kaya uma--- " WHAT THE HELL, LAVERIAS!!"

Hindi na napatapos ni Clarissa ang sasabihin niya nang umalingawngaw ang galit na boses ni Lewes. Sabay kaming napalingon ni Clarissa sa kaniya at nakita ko ang mukha niya na parang dragon na handang bumuga ng apoy.

Mabilis siyang naglakad palapit sa akin at parang nag slow mo ang paligid ko nang malakas niya akong suntukin sa mukha ko na ikinabagsak ko sa lupa.

"Pinayagan ba kitang lumapit sa girlfriend ko?!" Galit na bulyaw niya sa akin. Naglakad naman palapit sa tabi niya si Clarissa para pigilan siya. "Tama na, Raiken!"

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon