Via's (Point Of View)
Flashback...
"Ahhhhh...Tulong!!"
Narinig ko pa ang pagsigaw nila nang pangalan ko bago ako pinasok ng tatlong lalaki sa loob ng itim na van.
"Sino kayo?!" Galit na pagtatanong ko sa apat na lalaki na siyang kumidnap sa akin.
Pero, ni isa sa kanila walang nagsalita. Natatakot na din ako at hindi ko mapigilan na mapaiyak. Baka kasi may gawin silang masama sa akin.
"Sorry kong kinidnap ka namin inutusan lang kasi kami." Sabi ng boses lalaki na nakaupo sa tabi ko. Nilingon ko naman siya at napakunot ang noo ko.
"Sino?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Hinubad nila ang suot nilang bonnet na itim na nakatakip sa mukha nila. Napanganga ako dahil isang gwapong lalaki lang naman ang nasa tabi ko ngayon siguro kasing edad lang namin siya nina Blast.
"Huwag kang mag-alala, Ma'am Via hindi ka namin sasaktan." Sabi ng lalaking nakaupo sa shotgun seat.
Napatikim naman ako ng bibig. At ngayon ko lang napagtanto kong bakit niya ako tinawag na Ma'am.
Pero, this time napanatag ang loob ko dahil wala naman pala silang gagawing masama sa akin.
Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako. Ginising lang ako nang gwapong lalaki na Danielle pala ang pangalan.
Pagkalabas ko sa loob ng itim na van nanlaki ang dalawang mata ko at napahanga ako dahil sa laki ng mansion mas malaki pa nga ito kaysa sa mansion nila Blast, Nathan, Henzein at ng mga Laverias.
Pero, Ang tanong bakit dito nila ako dinala?
"Ahmm, Danielle, Anong ginagawa natin dito?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin.
"Dito kasi nakatira ang Lola niyo, Ma'am Via." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Lola ko? Sino naman?
"Danielle huwag mo na akong sabihan ng Ma'am magkasing edad lang siguro tayo e,"
"Sige, Via."
Nginitian ko siya at nginitian niya naman ako pabalik na ikinalabas ng dimples niya. Ang cute niya.
Niyaya niya na akong pumasok sa loob ng mansion nung una nag-aalinlangan pa ako at kinakabahan pero no'ng mahawakan ni Danielle ang isang kamay ko biglang nawala ang pagkanerbyos ko sa sarili.
"Good Morning, Ma'am Via. I'm Thomas, ako ang kanang kamay ni Madam Olivia." Pakilala sa akin ng matandang lalaki siguro nasa 60+ na ang age niya.
Pinasunod niya ako sa loob ng mansion na mas lalong ikinahanga ko. Parang museum ang loob dahil sa hallway na dinadaanan namin may mga frame na nakasabit sa wall at 'yong kisame may background theme pa na ulap.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...