Chapter 35 (Reeve's Birthday)

303 52 0
                                    

One Week Past...

Danni's (Point Of View)

Today is Kuya Reeve 21st birthday. Debut niya pero, gusto ni Kuya Reeve na simple lang ang birthday celebration niya. Pupunta ako sa kanila para nga dumalo sa kaarawan niya.

"Papa, Are you sure po na ayaw niyong sumama?" Pagtatanong ko kay Papa habang may pinipirmahan siyang mga papeles dito sa office niya.

Napatigil naman siya sa pagpipirma at napaangat ng tingin sa akin.

"Marami pa akong gagawin, Anak. Pakibigay na lang iyong birthday gift ko para sa kaniya." Sagot ni Papa.

Napabuntong hininga naman ako.

"Sige po, Pa." Lumapit ako kay Papa at hinalikan ko siya sa pisngi niya. Pagkatapos kung makapagpaalam sa kaniya lumabas na ako ng bahay na dala-dala ang birthday gift namin ni Papa para kay Kuya Reeve.

Sumakay ako sa bisikleta para makarating agad ako sa bahay nila.

Paliko na sana ako sa kanto nang mapatigil ako sa pagpedal sa bisikleta ko. Bumaba ako at nagtago sa likod ng poste. Sumilip ako kay Kuya Reeve na may kausap na lalaki sa labas ng bahay nila. Nakasuot siya ng black jacket at black jeans pants at black na sapatos. Hindi ko makita ang mukha niya dahil may suot ang ulo niya ng hood ng jacket. Alam kung lalaki siya dahil sa porma at sa paraan ng pagtayo niya.

Hindi ko marinig ang pinagu-usapan nila dahil malayo ako sa kanila ng ilang metro. Napatingin ako sa hawak ng lalaki na isang birthday gift binigay niya ito kay Kuya Reeve na agad naman nitong tinanggap.

Napakunot naman ang noo.

Sino kaya ang lalaki na iyan? Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Bakit gano'n may part sa akin na masaya na makita ang lalaking iyan kahit hindi ko naman siya kilala.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko ng tumalikod na ang lalaki at naglakad na ito palayo kay Kuya Reeve.

Tumalikod na rin si Kuya Reeve at bago pa niya buksan ang gate tinawag ko siya.

"Kuya Reeve!"

Napatigil naman siya at napalingon sa akin mababakas pa sa mukha niya ang gulat nang makita ako. Naglakad naman ako palapit sa kaniya.

"N-Nandito ka na pala, Danni." Sabi ni Kuya Reeve at nararamdaman ko ang kaba sa boses niya.

"Ahh, oo maaga talaga ako pumunta para makatulong sa paghahanda sa birthday mo. Happy Birthday, Kuya Reeve." Nakangiti na pagbati ko sa kaniya.

Tinap niya naman ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Thank you, Danni." Pagpapasalamat niya sa akin.

Bago kami pumasok sa loob ng gate binigay ko na kay Kuya Reeve ang birthday gift namin ni Papa para sa kanya. Oo nga pala, July 4 ang month at date ng birthday ni Kuya Reeve.

_______

Nandito na ang lahat ng mga ugok pati na rin ang mga girls. Dumalo din sina Rayzel, Ethan at Zen-Zen.

Si Kuya Reeve ka video call pa sina Tita Camia at Tito Reese habang nasa tabi niya si Ate Thalia.

Mas lalo pa nga silang naging sweet sa isa't-isa ng magkabalikan sila at sobrang saya naman namin para sa kanila. Sabi na nga ba hindi matiis ni Ate Thalia si Kuya Reeve. 6 years na sila tapos masasayang lang dahil sa Eisha na iyon. Mabuti na lang hindi na nagpapakita ang babaeng 'yon kay Kuya Reeve.

"Labs, ipaubaya mo na lang iyan sa mga katulong ni Reeve." Sabi ni Bakulaw nang makalapit siya sa akin matapos kung ilapag sa mahabang mesa ang mechado, kare-kare, lumpia, buko salad at spaghetti.  Sinama niya pala si Haize na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Kirby na naglalaro sa PSP nito.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon