Chapter 47 (Regrets)

281 43 2
                                    

Danni's (Point Of View)

Ipinagpaalam ako ni Zen-Zen kay Papa na isasama niya ako sa Birthday Party ng kaibigan ng Mom niya mabuti na lang pumayag si Papa.

Nakasuot ako ngayon ng Black Fitted Dress at Black stiletto. Actually, hindi ako aware na sumuot ng ganito pero once in a life time lang naman ako sumuot nito kaya irampa na natin.

Kahiya naman kung simple dress lang isuot ko at paresan ko ng rubber shoes baka pagpunta pala namin doon bungga ang Birthday party e, 'di pagtitinginan ng mga bisita ang suot ko. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang sarili ko dapat matuto rin akong bumagay sa mga suot nila kahit simple or special occasion man iyan 'di ba?

Naglagay lang ako ng light make up at liptint. Pina curly ko rin 'yong dulo ng buhok ko and tadaaa! I'm done.

Kinuha ko ang itim na pouch ko at naisipan kong lumabas na ng kwarto ko.

Pagkababa ko nang hagdan naabutan ko sa living room sina Papa at Zen-Zen na nag-uusap pero, naputol ito ng pareho silang napatingin sa akin.

"You're so beautiful, Anak. " Compliment na sabi ni Papa sa akin.

"Thank you po, Papa." Nakangiti na sabi ko sa kaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi at natuon ang tingin ko kay Zen-Zen na tulala habang nakatingin sa akin.

"Hoy!"

Nabalik naman siya sa reyalidad niya ng tapikin ko ang noo niya kaya mahina akong natawa. Nakasuot naman si Zen-Zen ng formal suit na bumagay sa kanya nagmukha siyang business man sa sariling kompanya nila.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Huh? Yes, I'm fine. You're so beautiful to your dress, Dan-Dan." Compliment naman na sabi niya sa akin.

"Thank you." Nakangiti na pagpapasalamat ko sa kaniya.

"Oh, Ano pa ang hinihintay niyo umalis na kayo at baka nagsisimula na ang birthday party."

Tumango naman kami ni Zen-Zen sa sinabi ni Papa. After that nagpaalam na kami sa kaniya at inalalayan ako ni Zen-Zen palabas ng bahay at papasok ng kotse niya.

On the way na kami sa venue ng birthday party ng Ninang niya. Habang papunta kami doon bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero nag sink-in na lang bigla sa isip ko si Bakulaw.

Kanina niyaya niya rin ako na sumama sa occasion na pupuntahan nila ng Mom niya ngayong gabi pero hindi ako pumayag. Syempre, prinioritize ko si Zen-Zen dahil need niya ng tulong ko. Alam kong mali ang pag set-up ko at piliin na si Zen-Zen ang samahan ko pero.. Haysst! Basta ang hirap ng situation kong ito.

Kinakabahan ako at baka malaman ni Henzein ang pagpre-pretend namin na mag couple ni Zen-Zen baka magalit siya sa akin at ito pa ang magiging dahilan ng pag-aaway namin or misunderstanding.

"Dan-Dan, Are you okay?" Pagtatanong sa akin ni Zen-Zen habang nagmamaneho siya ng kotse niya. Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot.

After 15 minutes nakarating na kami sa isang Luxury Hotel. Pagka park ni Zen-Zen ng kotse niya lumabas siya sa driver seat at lumibot sa kabila para pagbuksan ako. Nagpasalamat naman ako sa kaniya.

Pagkapasok namin sa loob may security pala na nagbabantay. Bumati sila sa amin at bumati naman kami ni Zen-Zen sa kanila pabalik. Sumakay na kami sa elevator papunta sa third floor.

Nasa third floor pala ng Luxury Hotel na ito ang venue ng birthday party.

"We're here." Sabi ni Zen-Zen sa akin.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon