Reeve's (Point Of View)
I'm here in Will's Bar. Pagkatapos umalis ni Danni sa bahay umalis din ako at pumunta dito. Ang bar na 'to ay malapit lang. So, hindi na nila kailangan pang mag-aalala sa akin. Worried? Si Danni at si Tito Skyler lang naman ngayon ang nag-aalala sa akin. Hindi alam ni Mom at Dad kung ano ang nangyari between sa amin ni Thalia. Hindi ko gusto na madamay pa sila sa problema namin dahil kaya ko itong solusyunan.
Wala rin akong maaasahan sa mga ugok problemado rin sila sa buhay nila at sa love life nila. Simula nung pumasok sila sa relationship doon na sila nag focus. (Lumagok ng beer)
I feel na malayo na rin ang loob ko sa kanila. What I mean is I'm tired for everything. Minsan nagpapatanong ako sa sarili ko kung naging mabuting leader ba ako sa kanila? Kung deserve ba na maging leader nila ako? Kasi para sa akin napakawalang kwenta ko. Someday, aalis din ako. Pipili ako sa kanila na papalit sa akin na maging susunod na leader.
Ang dami kong problema sa buhay at isa na 'yong problema namin ni Thalia. Hanggang ngayon kasi cool off kami. Hindi ko na kaya sobrang miss na miss ko na siya. I miss her hug and kiss. I know this is all of my fault dahil sa pagseselos ko nauwi sa misunderstanding at cool off ang relasyon namin. Simula din nung umuwi sila ni Taroy wala na akong ibang ginawa kundi ibaling ang atensyon ko sa paglalasing.
Titigil lang ako kapag naging maayos na ang relasyon namin ni Thalia. Tinawagan ko na rin siya ng ilang beses pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kahit ang mga message ko sa kanya hindi niya nirereplayan. Sobrang nasasaktan ako.
Sampung beer na ang nainom ko, pero wala akong pakialam. May mga lumalapit sa aking mga babae pero hindi ako nakikipag-usap sa kanila. Kapag may kumandong na malanding babae sa akin tinutulak ko at binabantaan.
Naririnig ko ang mga sigawan nila sa dance floor at syempre hindi mawawala sa nar na 'to ang mga nagmi-make out.
“One more beer.” Sabi ko sa bartender na naghahalo ng inumin.
“Pero, Sir, lasing na po kayo.” Naramdaman ko sa boses niya ang nerbyos.
Umayos mo na ako sa pagkakaupo sa stool bar dahil ramdam ko na parang mahuhulog ako.
“Wala akong pakialam kung lasing na ako. Bigyan mo ulit ako ng basong beer magbabayad naman ako!”
Wala naman nagawa ang bartender na 'to kundi ang sundin ako.
Oo, lasing na ako pero nakakapagsalita pa rin naman ako ng maayos kahit na papikit-pakit na ang dalawang mata ko at ramdam ko ang init ng dalawang pisngi ko.
Habang tinutungga ko ang beer someone's interrupt me.
“Hi, Reeve.”
Napabaling ang dalawang mata ko sa babaeng umupo sa tabi ko. Bigla namang nangunot ang noo ko. She's familiar to me.
“Who are you?” I asked her.
Ngumiti siya sa akin at mas lalo pa siyang lumapit sa akin.
“I'm Eisha, I'm Tracey's former friend. Remember?”
Medyo nabigla pa ako sa pagkakalingkis ng isang kamay niya sa kaliwang braso ko. Pero anong sabi niya? She's the former friend of Tracey, inalis ko ang kamay niya at lumayo ako sa kaniya.
Ngayon alam ko na kung sino ang babaeng 'to.
“What are you doing here?”
Tumawag siya ng bartender at nag-order ng ladies drink.
“Of course, this is bar. I hang out with my friends.”
Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng pants ko at kumuha ako ng tatlong libo. Binayad ko ito sa bartender at tumalikod na ako.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...