Chapter 40 (Pregnant)

380 51 1
                                    

Continuation...

Thalia's (Point of View)

Unting-unti kong dinilat ang dalawang mata ko at bumungad sa akin ang ilaw sa taas ng kisame. Nilibot ko ang kabuuan ng kwarto kung nasaan ako at may kalumaan na pala ito. May nakatambak na mga sirang silya at mesa. Sinubukan kong igalaw ang mga paa at kamay ko pero hindi ko maigalaw.

"Hmm..."

Huli ko nang napagtanto na nakatali pala ang mga paa at kamay ko at may telang nakatakip sa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita.

"Hmm..."

Naalala ko na may limang lalaki na kumidnap sa amin. Hindi ko alam kung saan nila kami dinala. May pinaamoy sila sa amin na chloroform kaya nawalan kami ng malay. Oo, pati sina Via at Clarissa ay kinidnap rin nila pero hindi ko alam kung nasaan na sila. Nag-iisa lang ako sa lumang kwarto na ito.

Biglang bumukas ang pinto at mula sa labas pumasok ang tatlo sa limang lalaking kumidnap sa amin at sa likod nila pumasok ang isang babaeng kinaayawan ko na ikinagulat ko at ikinalaki ng dalawang mata ko.
Si Eisha.

Nakangising nakatingin siya sa akin habang naglalakad papunta sa kinauupuan ko.

Inalis ng isang lalaki ang telang nakatabon sa bibig ko.

"Hayop ka talagang babae ka!" Galit na sigaw ko sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin habang nagpupumiglas ako.

Imbis na masindak siya sa masamang tingin ko. Tumawa si Eisha na parang mangkukulam at nagulat ako nang sampalin niya ako sa kaliwang pisngi ko.

"It's nice to see you again, Thalia." Malademonyo niyang sabi na ikinatingin ko sa kaniya.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?! Bakit hindi mo ako tinatantanan!"

Hinawakan niya ang buhok ko at hinawakan niya ito ng mahigpit kaya napakapit ako sa kamay niya.

"Hinding-hindi kita tatantanan hanggang hindi ka nawawala sa mundong ito dahil kapag namatay ka may chance na maging kami ni Reeve." Nakangisi niyang sabi sa akin.

"Asa ka! Kahit ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundong ito never kang magugustuhan ng boyfriend ko!"

Dinuruan ko siya sa mukha niya na ikinabigla ni Eisha. Tiningnan niya ako sa galit na galit niyang mukha.

"Ikaw na babae ka!" Nagulat na naman ako ng sampalin ako ni Eisha ng tatlong beses kaya naramdaman ko ang pamamanhid ng dalawang pisngi ko na ikinaiyak ko.

"Stop it, Eisha!"

Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Spiencer na nakasuot pa ng formal attire. Nagulat ako dahil nandito siya.

Anong ginagawa niya rito?

"Ohh, My handsome cousin is here na."

Cousin?

Magpinsan sina Eisha at Spiencer?!

Naglakad palapit si Spiencer kay Eisha at sinakal niya ito na ikinagulat ni Eisha.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon