Continuation...
Danni's (Point Of View)
Hindi ko ini-expect na magkikita kami ngayong gabi ni Ethan at nakauwi na pala siya ng Pilipinas.
"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? Ang sabi ko layuan niyo siya kung ayaw niyong iputok ko ang hawak kong baril sa ulo niyo!"
Binitawan ng bugok nilang leader ang buhok ko kaya napahawak ako dito. Ang sakit ng anit ng ulo ko. Napatingin ako sa mga kasamahan niya na nagsitayuan at tumakbo na palayo sumunod ang mga ito sa leader nila. Mayroon pang naiwan dahil hindi kinaya ang sakit ng katawan pero hindi sila pinansin na ni Ethan at naglakad ito palapit sa akin.
"Are you okay, Danni?" Nag-aalalang tanong niya sa akin at binaba niya ang hawak niyang baril. Tumango ako sa kaniya bilang sagot.
Magkamukha talaga sila ni Nathan ang pinagkaiba lang sa kanila ang kulay ng buhok nila. Kulay blonde ang buhok ni Ethan at kulay itim naman ang kulay ng buhok ni Nathan.
"Thank you, Ethan." Pagpapasalamat ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya. Naglakad ako palapit sa damuhan at tinayo ang bisikleta ko. Matibay ang bisikleta na 'to kahit may pagkaluma na hindi nga nasira nang ihagis ko ito kanina sa dalawang tukmol.
"Pauwi ka na ba, Danni? Hatid na kita,"
Nilingon ko siya dahil naramdaman ko ang presence niya sa likod ko.
"Hindi pa ako uuwi. Pupunta ako sa 7/11."
"Kung gano'n samahan na kita," Suwestyon niya. Nakipagtitigan ako sa kanya at ang luko nag puppy eyes pa sa akin.
"Haysst! Sige na nga!" Napa 'yes' naman siya at kinindatan ako. Tsk. Luko talaga.
@7/11
Pagdating namin sa 7/11 nag order na kami ni Ethan at naupo sa pinakadulo malapit ito sa glass window kaya kita namin ang nasa labas. Isang mangkok na ramen, dalawang foot long burger at isang styrofoam cup na may coke lang ang inorder ko kay Ethan naman sandwich at dalawang beer in can. Kaunti na lang ang customer sa loob at labas masok naman ang iba na agad naman umaalis pagka order nila.
"Kamusta na buhay mo, Danni?" Pagtatanong at pagbasag ni Ethan sa katahimikang namuo sa aming dalawa. Humigop muna ako ng sabaw ng ramen bago siya sinagot.
"Ayos lang naman. Basagulera pa din ako pero maraming gusto tuparin sa buhay. Ikaw kamusta ka na? Umuwi ka na pala ng Pilipinas,"
"Yes, I decide na dito ko na lang ipagpatuloy ang study ko at ayos lang din naman ako single pa din at nag bagong buhay na ako matapos akong tumira sa Switzerland. Malaki ang pinagbago ko sa pagtira doon, pero mas sanay pa din akong kasama ang kakambal ko kahit minsan pasaway ako at siraulo. Hahaha!"
Nga naman. Kahit kailan talaga para siyang tanga at siraulo. Malaki nga ang pinagbago niya pero may pagkasaltik pa din siya sa utak.
"By the way, balita ko kayo na ni Henzein Grayson? 'Di ba, magkaaway kayo? Sabagay, the more you hate, the more you love. Enemy turns to lover nga naman."
Medyo natawa pa ako sa sinabi niya.
"Oo matagal na. Magto-two years na nga kami. Ikaw, bakit single ka pa din hanggang ngayon?"
Napahinga naman siya ng malalim.
"Hehe wala kasi akong natipuhan o nagustuhan kahit isang babae sa Switzerland. Gusto ko 'yong kayang sabayan ang kalakuhan ko o iyong mas matapang pa sa akin at matalas ang dulo ng dila 'yong may saltik din kagaya ko. Hahaha!"
Napailing-iling na lang ako ng ulo. Sana nga maka encounter siya ng ganiyang klaseng babae. Malas lang niya kong wala. E, 'di maghintay na lang siya sa babaeng nakatadhana para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...