Summer's (Point Of View)
“Ano luto na ba?” Pagtatanong ko kay Taroy nang makapasok ako sa dining room.
Sabi niya kasi siya na ang mago-oven ng binake namin kaninang cookies.
Tumabi ako ng upo sa kaniya sa stool chair at tumingin ako sa nakabusangot niyang mukha.
“Bebeloves, why? Hmm..” Pagtatanong ko sa kaniya at kinurot ko ang kanang pisngi niya na ikinalingon ng ulo niya sa akin. Lalo siyang ngumuso kaya natawa ako.
He's so cute.
Napatingin ako sa dining table nang may pinatong siyang tray kung saan nakalagay ang....... nasunog na cookies.
Napahinga naman siya ng malalim.
“I'm sorry, Bebeloves.” Paghihingi niya ng sorry sa akin.
Hinawakan ko naman ang dalawang kamay niya na may suot pang gloves.
“It's okay. Magbi-bake na lang tayo ulit,”
Napaangat naman siya ng tingin sa akin.
“Pero, gabi na. Kailangan mo ng magpahinga.”
Tumayo ako at tumalikod sa kaniya. Naglakad ako papunta sa ref at kumuha ng mga itlog at iba pang ingredients sa pagbi-bake ng cookies. Kumuha rin ako sa loob ng kabinet.
“Bebeloves, ipabukas na lang natin iyan.”
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod ko na ikinangiti ko. Tumingin muna ako sa wall clock at pasado 7:45 pm na. Hinarap ko siya at pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya.
“May time pa naman e, atsaka wala naman akong sakit para matulog ng maaga.”
This time ako naman ang ngumuso sa kaniya. Hehe!
“Pero, Bebelo... Hindi na niya napatapos ang sasabihin niya ng kumuha ako ng harina at hinihipan ko ito sa mukha niya kaya napaubo siya.
Mahina akong natawa at lumayo sa kaniya.
“Bebeloves! Humanda ka sa akin!”
Whaaa! Napasigaw ako at tumakbo paikot sa dining table naramdaman ko naman ang paghabol ni Taroy sa akin. Tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo. Sinabuyan niya ako ng hawak niyang harina, pero nakaiwas ako. Napatigil ako sa pagtakbo nang bigla akong hiningal.
“Huli ka!” Panggugulat niya sa akin at niyakap niya ako mula sa likod ko. Hinarap ko siya at pinektusan ang kaliwang tainga niya.
“Heh! Enough na. I'm tired.” Sabi ko sa kaniya na ikinawala niya sa pagyakap sa akin.
“Sorry, Bebeloves.” Paghihingi niya ng paumanhin sa akin.
“No, It's okay. Tara na nga magsimula na ulit tayo mag-bake.” Tinalikuran ko siya muli para ayusin na ang mga gamit at mga kasangkapan sa pagbi-bake ng cookies.
(Habang Nagbi-bake)
“Bebeloves, may logic ako sa'yo.”
Napaangat ng tingin si Taroy sa akin na ikinatawa ko ng mahina dahil may harina sa mukha niya.
“Sure, Bebeloves. Ano ba iyan? Hmm...Kapag nasagutan ko o nahulaan ko ng tama may kiss akong premyo ha,”
Umaayos ako sa pagkakatayo at tumikhim.
“Sige ba. Here's my first logic. May sampung cookies na nakalagay sa loob ng box, kinuha mo ang lima at kinain. Ang lima naman kinain ko. Ang tanong ilang cookies na lang ang laman ng box?”
Napangiwi ako ng humagalpak siya ng tawa. Hinampas-hampas niya ang dining table dahil siguro sa logic ko.
What's wrong? Tama naman ang ni logic ko sa kaniya. This time ako naman ang natawa nang mabilaukan siya. Hehe! Karma is real.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...