Chapter 24 (Spring Vs. Raiken)

314 63 2
                                    

Spiencer's (Point Of View)

"Thalia, flowers po you." Napaangat ang tingin niya sa akin at nakangiting tinanggap niya ang bouquet na hawak ko.

"Thank you, Spiencer." Inamoy-amoy niya ang mga bulaklak na ikinangiti ko.

"You're always welcome."

Inalis ko ang unan sa tabi niya at naupo ako sa couch.

We're here in Tita Kelly's office. It's already 6:30 pm pa lang naman at mamayang 8:00 pm pa ang close ng coffee shop.

"By the way, para saan 'to? I mean this is the first time nabigyan mo ako ng bouquet. So, nagtataka ako kung para saan ito?" Pagtatanong niya.

I took a deep breath and I sighed heavy. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya na ikinabigla niya.

"I want to court you, Thalia." Nawala ang nakapaskil niyang ngiti at napalitan ito ng pagkagulat. Inalis niya ang kamay niya at pilit niya akong nginitian.

"I-I'm sorry, Spiencer, pero...hindi pa ako handang pumasok ulit sa relasyon."

Napakuyom ako ng kamao. Don't tell me mahal niya pa din ang Anderson na 'yon?! Napatiim-baga naman ako.

Hinaplos ko ang buhok niya at nginitian ko siya.

"It's okay. Hindi naman kita minamadali. But always remember I'm always here for you."

"Thank you, Spiencer." Nakangiting sabi niya.

Mas lumapit pa ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo niya nang may biglang kumatok sa pinto.

"Come In." Thalia

Mula sa labas humahangos na pumasok ang isa sa mga waitress nila.

"Sorry po sa istorbo, Ma'am Thalia at Sir Spiencer. Pero, nasa labas po si Sir Reeve at kanina pa po kayo niya hinahanap at hinihintay, Ma'am Thalia."

Napabaling naman ang tingin ko kay Thalia na napakutkot ng kuko niya. Napatayo ako mula sa pagkakaupo at muling tumingin sa waitress.

"Ako na ang haharap sa kaniya." Ramdam ko ang pagtayo ni Thalia.

"Pero, Spiencer, baka kong ano ang gawin sa'yo ni Reeve,"

Tumingin ako sa kaniya at nginitian siya.

"Don't worry, magiging okay ako kaysa naman sa ikaw ang humarap sa kaniya at baka hindi ka na talaga niya tatantanan pa."

Napahinga naman siya ng malalim.

"Okay."

"Stay here." Sabi ko sa kaniya at naglakad na ako palabas ng office ni Tita Kelly. Nakasunod naman sa akin 'yong waitress pero hindi ko na siya pinansin pa.

Pagkalabas ko ng coffee shop nagpunta ako sa parking lot at naabutan ko si Anderson na nakasandal sa kotse niya at panay ang tingin sa suot niyang wrist watch.

"Anderson.."

Napaangat naman ang tingin niya sa akin at napaasik. Mababakas sa mukha niya ang iritasyon nang makita ako.

"What the f*ck are you doing here? And, where's Thalia?"

Lumapit ako sa kaniya habang nakapamulsa. Tumingin ako sa kaniya sa seryosong mukha.

"Pwede bang tantanan mo na si Thalia, Stop chasing her, Anderson. Wala na kayo kaya tigilan mo na siya."

Tumawa siya na ikinakunot ng noo.

"Oo, nakipaghiwalay siya sa akin, pero sa tingin mo iyan ang dahilan para layuan ko siya at tigilan?! She's mine, Jerk! At hindi ako papayag na mapunta siya sa hangal na kagaya mo!"

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon