Someone's (Point Of View)
It's already 7:00 pm. Nilagay ko ang yupos ng sigarilyo sa ash tray nang biglang bumukas ang pinto ng condo unit ko.
"Ohh, what's bring you here my pretty cousin?"
Imbis na sagutin niya ang tanong ko, naglakad siya papunta sa akin at umupo sa harap kong single couch. Napangisi siya. Kumuha siya ng isang pirasong sigarilyo at sinindihan ito.
"Tapos na ako sa plano ko my handsome cousin. I'm sure mauuwi sa hiwalayan ang dalawa. Magiging akin na din si Reeve Anderson."
Napailing naman ako ng ulo ko.
"I'm so proud of you my pretty cousin. Nang dahil sa ginawa mo mapapasa akin na din sa wakas ang babaeng dapat sa akin at matagal ko nang mahal." Ngumisi ako at tinungga ang isang basong vodka na hawak ko.
"Well, pareho lang naman natin hinahangad na mapunta sa atin ang mahal natin. Sana nga lang hindi maabyado itong plano natin. Kung hindi mabubuking tayo." Pabagsak kong pinatong ang hawak kong baso at tumayo.
Naglakad ako palapit sa kaniya at hinarap siya. Hinawakan ko ang leeg niya at sinakal ito na ikinagulat niya.
"K-Kuya... "Make sure na maging successful iyang plano mo at hindi tayo mabuking dahil kapag nalaman ni Thalia na may kinalaman ako sa pagset-up sa inyong dalawa ng Anderson na iyon, patay ka sa akin. Are you understand?!"
Tumango siya kaya pabagsak ko siyang binitawan na ikinasubsob ng ulo niya. Napahawak siya sa leeg niyang sinakal ko at napaubo.
Well, she deserve it! Iniisip ko pa lang na hindi naging successful ang plano niya nangangalaiti na ako sa galit. Tumalikod ako sa kaniya at naglakad na ako papunta sa master bedroom ko. I need to rest now may laban pa kami bukas sa gang's underground.
Nathan's (Point Of View)
It's been how many days past. Maraming nangyari at nagbago. About kay Reeve ilang araw na namin siyang hindi nakasama at nabibisita. Ayaw niya kasi na pumunta kami sa bahay nila dahil ayaw niya makisali pa kami sa misunderstanding at LQ nila ni Thalia. Speaking of Thalia, always niya na nakakasama 'yong Spiencer. Oo, Si Spiencer 'yan 'yong pangalan nung ex-crush niya sabi sa amin ni Taroy. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa lalaking iyon.
Kahit namin nakakasama si Reeve binabalita naman sa amin ni Danni ang nangyayari sa kaniya.
Ikinapasalamat nga ni Danni na hindi na ito umiinom pa araw-araw pero always naman itong nagkukulong sa kwarto niya syempre gumagawa din iyon ng paraan para magkausap sila ni Thalia.
About Eisha. Hindi pa namin nakikita ulit ang babaeng iyon sobrang natatawa na nga ako kay Danni. Sabi niya kakalbuhin niya daw ang babaeng 'yon kapag nagkita sila. Haysst! Iba talaga 'pag in love ang isang tao gagawin ang lahat para mapa sa kanila ang mahal nila parang si Spring lang. Isa pa iyon lagi na lang busy. Hindi namin alam kung ano ang kinabubusihan niya even Winter, Autumn, and Summer hindi alam kong ano ang kinaabalahan niya. Hindi na din siya sumama sa amin kapag magpunta kami sa gang's underground para manood ng laban. Lagi ngang nakasimangot si Taroy dahil wala na daw time sa kaniya ang pakner niya. Hahaha! So funny. Ang sabihin niya wala siyang kasama kumain ng popcorn.
Pero nasabi sa amin ni Blast problemado daw iyong Tagsibol na iyon sa love. Nireject daw siya ni Clarissa dahil may boyfriend na ito. Halos lahat na lang sa amin love problem ang issue paano kasi maraming balikid. Kaya nga kahit hindi ko kasama minsan si Kyries dahil nagta-trabaho siya naghire ako ng bodyguard na magbabantay sa kaniya. Mabuti na 'yong nakakasigurado baka may lumanding alien na unggoy sa babe ko.
Speaking of her, kagagaling lang namin sa school. Nag-enroll na kami and this coming next Monday na ang start ng pasukan. Hindi pa nga ako handang pumasok. Nagpa-plano kasi ako sa paparating na monthsary namin ni Kyries, sakto kasi ang date na iyon sa pasukan kaya baka magiging busy na din siya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...