Kirby's (Point Of View)
"You know her?!"
Nilingon ko si Rayzel nang tanungin niya ako.
"Yes." Seryosong sagot ko sa kaniya.
Tumingin naman ako kay Harah na pasuray-suray sa kinatatayuan niya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang braso niya.
"Lasing ka na. Bakit ka uminom?Tanong ko sa kaniya.
Tinabig niya ang kamay ko at tumawa ng pagak.
"Ano ba paki mo? *hik* Boyfriend ba kita? *hik* Wala kang pakialam!"
Hanggang ngayon nasasaktan ako. Hindi niya naman kailangan ipamukha sa akin na walang kami.
"Hindi mo naman pala boyfriend si Kirby e! Bakit mo ako hinablot at sinampal? Alam mo ba na pwede kita idemanda?!!"
Lumapit ako kay Rayzel para patigilin siya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko at denial ko ang number ni Henry. Pero hindi niya naman sinasagot ang tawag ko.
"Bakit kita sinampal? *hik* kasi ako lang naman ang nililigawan niya. *hik* Tapos makikita ko lang na magkasama kayong dalawa! *hik* matapos sa akin ikaw naman? Ang landi mo! *hik* " Harah.
"MALANDI PALA HA!"
Inilang hakbang ni Rayzel si Harah at nan'laki ang dalawang mata ko nang sabunutan niya ito."Ano ba! *hik*"
Lumapit ako sa kanila para paglayuin silang dalawa. Pero patuloy pa din sila sa pagsasabunutan. Nasa gitna na kami ng kalsada at maraming sasakyan na ang gustong makadaan. Marami na ding taong nanonood sa kanilang dalawa at iba vinevideohan na sila.
"Stop!" Pumagitna ako sa kanila kaya ako ang nasabunutan nila.
"Huwag kang makisali dito!" Galit na sigaw sa akin ni Rayzel at tinulak niya ako. Muli niyang sinabunutan si Harah at dinaganan ito habang nakahiga sa maduming sahig. Inabot naman ni Harah ang buhok niya at sinabunot din ito. Nagsampalan sila kaya mabilis akong tumayo sa pagkakatumba at nilapitan si Rayzel para palayuin siya kay Harah.
"Rayzel, tama na!" Sigaw ko sa kaniya.
"'Di ba, sabi ko huwag kang makisali?!" Binayo niya ng suntok ang dibdib ko habang umiiyak siya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para patigilin siya sa ginagawa niya.
"Harah!"
Napaangat ang tingin ko kay Henry na kakarating lang at agad na lumapit sa kapatid niya para patayuin ito.
Nagsukatan ng masamang tingin ang dalawa kaya nagpaalam na ako kay Henry na aalis na kami. Ihahatid niya na din kasi si Harah sa bahay nila.
Pagdating namin sa parking lot na pinag-iwanan ko ng kotse ko. Pinapasok ko si Rayzel sa front seat at umikot ako sa kabilang side para pumasok sa driver seat.
"Hindi pa kami tapos ng girl na iyon e! Bakit inalis mo na ako doon?!"
Haysst! Ang tigas ng ulo niya.
"Nakakahiya ang ginagawa niyo, nasa public place kayo, Rayzel, maraming taong kinukuhanan kayo ng video. Mabuti na lang dumating si Henry at inalalayan niya din si Harah paalis doon."
"So what naman? Sanay na akong pinapahiya at napapahiya! Look oh, bumaon 'yong nails niya sa braso ko. Huhu! Ang sakit kaya. Kung sa face ko talaga bumaon ang kuko niya ide-demanda ko siya!"
Napailing naman ako ng ulo. Masyado siyang protective pagdating sa katawan niya. Kunting sugat o galos lang nag o-over react na siya. Mga babae nga naman.
Pinaandar ko na ang engine ng kotse ko para maiuwi ko na ang madaldal na babaeng 'to.
Makalipas ang 30 minutes nakarating kami sa kanila una akong bumaba para ikutin siya sa kabila at pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...