Chapter 31 (Unlucky Day)

277 62 0
                                    

Rhiane's (Point Of View)

It's Saturday syempre walang pasok. At dahil walang pasok napag-usapan naming mga girls kagabi sa Gc na magsha-shopping kami ngayon sa mall. Mayroon kasi kaming group chat na kaming mga girls lang syempre hindi pwede ma involve ang mga Boys doon dahil ang Gc na iyon privacy naming mga girls.

Actually, kanina pa kami dito sa mall Kasama ko sina Danni, Summer, Via, Charmaine, Ziana, Kyries at Clarissa. Si Clarissa kagabi lang nakapasok sa Gc namin. Summer's add her. Si Ate Thalia lang ang hindi nakasama sa amin. Alam niyo naman siguro ang issue nila ni Kuya Reeve 'di ba?

I turn off my phone at sinilid ko ito sa loob ng sling bag ko. Panay kasi ang ang text sa akin ni Autumn syempre gusto ko muna enjoyin itong pagsho-shopping namin. Minsan na nga lang kami magkasamang mga girls tapos e-epal pa siya. Hayy naku! Ang Taglagas talaga na iyon.

"Guys, I want to eat ice cream. Pwede ba tayong kumain sa Ice Cream Parlor? Please..." Pagi-isip bata na sabi ni Summer habang nakalingkis ang isang kamay niya sa braso ni Clarissa.

"I want too." Dagdag pa ni Ziana.

Gosh! Nagsama ang dalawang childish. (Napa face palm)

"Sige ba. Gusto ko na din kasi makakain ng malamig. Napagod na ako sa kakalakad at kaka-shopping natin." Sabi ni Via.

"How about you, Danni?" Pagtatanong ko kay Danni nang lingunin ko siya. Nasa likod namin siya at mababakas talaga sa face niya na nahihirapan siyang bitbitin ang mga paper bags na pinahawak namin sa kaniya.

Pffttt...

"Ewan ko sa inyo! Kung alam ko lang na magiging ganito ang set up ng pagsho-shopping natin sana hindi na ako sumama pa. Ginawa niyo akong muchacha!"

Natawa naman kami sa sinabi ni Danni. Naglakad naman palapit sa kaniya si Charmaine.

"Sorry na Danni, ikaw lang kasi ay may makisig na pangangatawan sa amin. Pfft!"

Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Charmaine.

"G*ga. Mukha ba akong lalaki? Pure girl kaya ako, Paano kaya kong itapon ko itong mga paper bags sa escalator total puro lang naman kaartehan ang laman nito."

"Uwaaaa...Huwag naman, Danni. Heto na nga oh, ililibre ka na namin ng ice cream."

Natawa naman kay Summer hindi dahil sa sinabi niya kundi sa pagkukunwari niyang pagpupunas ng luha at may pasinghot-singhot effect pa.

But, you know what, I like Danni for being a funny person kaya hindi ako nagsisi na isa siya sa mga friends ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Masarap talaga ang pagkain kapag libre. Tara na nga."

Nilagpasan niya kami at nauna pa siyang naglakad sa amin. Napailing naman ako. Ang bilis niya talaga kapag libre.

Nakarating na kami sa Ice Cream Parlor sa labas ng mall. Papasok na sana kami sa loob nang tumigil si Summer sa paglalakad na ikinatingin naman sa kaniya.

"Bakit ka tumigil sa paglalakad?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"May nakita kasi akong ahas."

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon