Epilogue

619 50 0
                                    

Danni's (Point Of View)

December 25 ****

"Merry Christmas!"

Lumapit ako sa parents ko at niyakap ko sila.

"Merry Christmas, Mama at Papa." Hinalikan ko sila sa pisngi nila na ikinangiti nila.

"Merry Christmas, Anak."

Sunod na lumapit ako kay Sammie.

"Merry Christmas." Nakangiti na bati ko sa kaniya at binigay ko ang regalo na para sa kaniya.

"Thank you and Merry Christmas, Ate." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Today is Christmas. Kay bilis lang talagang lumipas ng araw at buwan noh?

Nandito kaming lahat sa isang Beach Resort dito namin napagpasyahan na ipagdiriwang ang pasko ng sabay-sabay. Masaya ako dahil umuwi sina Mama at Sammie para makasama kami sa pasko.

Umuwi rin si Kuya Reeve kasama sina Tita Camia at Tito Reese, sina Charmaine at parents niya pati na rin ang parents nina Zen-Zen, Kirby, Blast at Ziana.

Sa mga buwan na lumipas maraming nagbago. Nalaman ko man na buhay si Kuya Cross pinakiusapan naman ako ni Kuya Reeve na huwag mo ng ipagsabi sa iba ang nalaman ko. Pumayag naman ako kahit labag sa kalooban ko. Hiningi ko kay Kuya Reeve ang address kung saan sila nakatira pero, hindi ko na sila naabutan pa. Nabalitaan ko na lang na pumunta na sila ng Singapore.

Masakit man nalaman iyon pero, tama si Kuya Reeve hayaan ko munang tapusin ni Kuya Cross ang nasimulan niya dahil naniniwala akong babalik siya sa amin. Masaya na rin ako para sa kaniya dahil kahit tahimik na ang buhay niya hindi pa rin niya ako kinalimutan. Ipinagtapat kasi sa akin ni Kuya Reeve na kay Kuya Cross nanggaling ang lahat ng sulat na natatanggap ko kaya pala ang gaan sa loob habang binabasa ko ang sulat 'yon pala galing sa kaniya.

About namin sa amin ni Henzein mas lalong tumibay pa ang pagsasamahan namin at pagmamahalan namin sa isa't-isa. 2 years na ang relasyon namin at masaya ako dahil sa kabila ng pinagdadaan namin hindi niya ako sinukuan.

Sina Kuya Reeve at Ate Thalia naman 3 months na lang at makakasama na nila ang kambal nilang anak. Oo, kambal ang magiging anak nila. Ako ang sumama kay Ate Thalia no'ng araw na nagpa ultrasound siya at nalaman nga namin na kambal ang anak nila isang lalaki at isang babae. Masyang-masaya naman sina Tita Camia, Tita Kelly, Tito Toby, at Tito Reese. Sobrang excited na sila sa paglabas ng dalawang apo nila. Pinag-aawayan nga nila kong ang ang ipapangalan.

Syempre, hindi magpapahuli ang mga ugok. Sina Trent at Charmaine nagkasama na ulit nangako naman si Charmaine na hinding-hindi na niya iiwan pa si Trent at hinding-hindi na siya magsesekreto rito matapos siyang magpa transplant at thankful nga kami dahil naging successful. Tuluyan na siyang gumaling pero mayroon siyang dapat sundin na bilin sa kaniya ng kaniyang doktor. Sina Via at Blast naman mas lalong naging matatag rin ang kanilang relasyon. Si Via pala ang magmamana sa mansion at lupain ni Lola Olivia dahil siya lang naman ang nag-iisang apo at tagapagmana. Sina Autumn, Rhiane, Kirby, Rayzel, Spring, Clarissa, Taroy at Summer mas pinatibay rin nila ang pagmamahalan gaya sa amin ni Henzein. Si Winter namin sa wakas natutunan niya na rin na mahalin si Ziana kung swerte sila minalas naman sina Nathan at Kyries. Nabalitaan namin na may nabuntis na ibang babae si Nathan sa Switzerland dahilan ng paghihiwalayan nila ni Kyries. Ngayon, sina Ethan at Kyries naman ang may relasyon. Oo, Sila na no'ng dalawang buwan na ang nakakalipas. Sino naman kasi ang hindi mapapaibig sa isang Ethan Jonnes na mapag-alaga, maalalahanin, masipag at handang isakripisyo ang buhay para sa taong minamahal niya.

Wala na rin kaming balita pa kay Nathan. Si Zen-Zen naman masaya na siya sa buhay niya kahit walang love life ang importante daw buhay. About naman kay Xyre finocus niya ang kaniyang sarili sa pinatayong negosyo niya sa America. Kahit galit man daw siya sa Kuya Xeynon niya na nakakulong na hindi pa rin magbabago ang pagmamahal niya rito masaya na rin si Xyre na malaman na pinagbabayaran na ng Kuya niya ang krimen na nagawa nito. Sana nga lang daw magbagong buhay na ito hanggang hindi pa huli ang lahat.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon