Chapter 25 (Spring's Lose)

299 64 3
                                    

Dedicated To: @Susan1725💙

Spring's (Point Of View)

Namamaga at nakapikit na ang isang mata ko. Pinunasan ko ang bibig ko nang pumutok ito dahil sa malakas na suntok ng t*ng*nang Lewes na 'to. Ramdam ko din na hinang-hina na ako at kunti na lang babagsak na ako. Napakuyom ako ng kamao hindi dapat ako sumuko. Hindi ako papayag na mapunta sa gunggong na Lewes na 'to si Clarissa.

"Ano kaya pa, Laverias?" Humahalakhak niyang sabi. Iniangat ko ang ulo ko at matalim ko siyang tiningnan sa mga mata niya. Sa aming dalawa ako ang mas napuruhan mas malakas siya sa akin at aaminin ko mas magaling siyang pakipaglaban kaysa sa akin.

Dahang-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa maruming sahig at hinarap ko siya.

"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Lewes. Alam kong gagawin mo din ito kapag ikaw ang nasa position ko." Paos na sabi ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

Nilabas ko ang baril ko na nakasuksok sa likod ko at nakitang kong nanlaki ang dalawang mata niya. Tinutok ko ito sa kaniya.

"Kung matatalo man ako ngayon tatanggapin ko iyon. Pero, hindi ako papayag na mapunta sa'yo si Clarissa. She's only mine, Lewes and I'll never share what's mine!" Kinasa ko ang gatilyo ng baril na ikinasinghap niya.

"Hindi ka talaga maasahan, Laverias!" Galit na sigaw niya sa akin.

"Pareho lang tayo, Lewes! Kaya tatapusin ko na 'to!" Ipuputok ko na sana ang hawak kong baril sa kaniya nang may maramdaman akong matigas na bagay na pinukpok sa ulo ko na ikinabagsak ko at ikinalabo ng paningin ko. Narinig ko ang tawanan nila kasama si Lewes. Napatingin ako sa baril ko at akmang aabutin ko na ito nang may unang umagaw dito.

Napatingin ako kay Lewes na siyang umagaw ng baril. Umupo siya at hinawakan ang buhok ko ng mahigpit.

"Kahit anong gawin mo hinding-hindi mo ako matatatlo, Laverias. Mahina ka at sa ating dalawa ako ang may karapatan para kay Clarissa kaya pasensiyahan na lang tayo dahil akin na siya habang buhay!" Sabi ni Lewes at humalakhak. Inuntog niya ng malakas ang ulo ko sa sahig na ikinaagos ng dugo mula sa noo ko. Biglang nandilim ang buong paligid ko at bago ako nawalan ng malay nakarinig ako ng pagputok ng baril.

Winter's (Point Of View)

F*ck! Inunahan pa ako ni Reeve.

"Sige, subukan nyong iputok ang mga baril na hawak niyo kung ayaw niyong iputok ko ang baril na hawak ko sa bungo ng leader niyo!" Sigaw ni Reeve sa mga miyembro ng Zypheer Gangster nang itutok niya ang hawak niyang baril sa ulo ni Raiken Lewes. Tinamaan siya ni Reeve sa braso niya ng dalawang beses kaya may umagos na dugo dito. Nakataas ngayon ang dalawang kamay nito.

"Tarantado ka!" Galit na sigaw ko at sinikmuraan siya. Napaluhod naman siya sa sakit. Sinipa ko ang mukha niya ng tatlong beses na ikinabagsak niya sa maruming sahig.

"Para iyan sa ginawa mo sa kapatid ko!" Itinutok ko sa kaniya ang hawak kong baril at kinasa ito.

"T-Tama na..." Nahihirapan niyang sabi na ikinatawa ko sa kaniya ng pagak.

"Winter, stop! You don't need to kill him. We're here to save, Spring."

Nakaramdam ako ng pagkainis sa sinabi ni Reeve. But, he's right. Ayoko makulong ng dahil lang sa lalaking 'to!

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon