Kyries's (Point Of View)
Nakapag decide na ako sa favor ni Mrs. Jonnes at kahit masakit man sa akin pumayag ako na isama nila pabalik sa Switzerland si Nathan.
Ngayon iniimpake ko na ang mga gamit niya sa maleta habang si Nathan ay nakayakap sa likod ko.
Sinabi ko sa kaniya ang about sa pinag-usapan namin ng Mom niya. No'ng una nagulat pa siya lalo na nang sinabi ko na dinala ako ni Mrs. Jonnes sa hospital kung saan naka confined ang Dad niya. Sinabi ko rin kay Nathan na nakipagbati na sa akin si Mrs. Jonnes at sinabi ko ang about sa favor ng Mom niya sa akin na no'ng una hindi siya pumayag dahil ayaw niya mawalay sa akin pero pinilit ko siya hanggang sa wala na siyang magawa pa kundi pumayag.
Sinabi naman ni Nathan sa akin kaya siya umuuwi ng madaling araw dahil pumupunta pala siya sa hospital para bantayan ang Dad nila. Remember, no'ng time na pumunta sa bahay namin si Ethan dahil may importanteng pag-uusapan sila ni Nathan 'yon pala ang araw na sinugod nila Ethan at Mrs. Jonnes ang Dad nila sa hospital.
Syempre, girlfriend lang ako ni Nathan compared sa family niya na sobrang kailangan siya ngayon. Kahit man baliktarin ang mundo hindi pa rin magbabago ang lahat na ama niya si Mr. Jonnes na kailangan ang malaking suporta niya. Bukas na pala ng umaga ang flight nila.
"Babe.."
Hinalik-halikan ni Nathan ang leeg ko na ikinaharap ko sa kaniya. Pinatigil ko naman siya sa ginagawa niya.
"Laging kang mag-ingat doon. Kumain ka sa tamang oras at huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag mo ring kalimutan na tumawag sa akin para naman maging updated ako sa situation mo doon. Mamimiss kita."
Hindi ko naman napigilan na mapaiyak. Syempre, hindi ko kaya mawala sa akin si Nathan, especially hindi ako sure sa magiging situation niya sa Switzerland. Baka may umaligid sa kaniya na mga babae doon pero may tiwala ako kay Nathan alam kong hindi niya ako bibiguin at lulukuhin.
Hinawakan niya naman ang mukha ko at hinaplos pagkatapos ay pinagdikit niya ang mga noo namin.
"I will miss you too, Babe. I'll promise you na operation at business lang ni Dad ang reason ng pagpunta ko sa Switzerland at pinapangako ko sa'yo sa pagbalik ko magpo-propose na ako sa'yo. I love you so much, Kyries. Ikaw lang ang nag-iisang babae na mamahalin ko hanggang sa huling buhay ko."
Napangiti naman ako sa sinabi niya at ako na mismo ang sumakop sa labi niya na ikinatugon niya.
Pagkatapos naming kumalas sa halikan niyakap ko siya.
"I love you too, Nathan. Mamimiss din kita."
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.
Sana 'yong pinangako niya sa akin ay hindi mapapako sa huli.
Danni's (Point Of View)
Dito na pala ako kagabi pinatulog ni Ziana sa condo unit niya kasi ayaw niya na umuwi pa ako dahil baka ano pa ang mangyari sa akin dahil lumalalim na ang gabi. Mabuti na lang may guest room siya at doon ako natulog.
Tinawagan ko kagabi si Papa na hindi ako makakauwi pumayag naman siya na sa condo ni Ziana ako magpalipas ng gabi. Syempre, tinawagan ko rin si Bakulaw at baka mag-alala na naman iyon sa akin.
Napatingin ako kay Ziana sa loob ng mini kitchen niya na naghahanda ng umagahan namin gusto ko sana siyang tulungan pero ayaw niya naman.
Nakaupo ako ngayon sa couch at sa single couch na katabi ng inuupuan ko naman nakaupo si Winter at hang-over pa siya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...