Kyries's (Point Of View)
Nag-aalala na ako kay Nathan ilang araw na ako hindi nakatanggap ng tawag mula sa kaniya at hindi ko na siya ma contact. Panay nga ang tanong ko kay Ethan kong tumatawag pa ba sa kaniya si Nathan pero sabi niya hindi na daw.
Kamusta na kaya siya sa Switzerland?
Miss na miss ko na siya. Napabuga naman ako ng hangin. Nakaupo ako ngayon sa labas ng balkonahe nang bahay namin day off ko ngayon sa trabaho kaya nakatunganga lang ako.Nag ring ang cellphone ko at mabilis ko naman tiningnan ang caller akala ko si Nathan na pero si Ethan lang pala ang tumatawag. Agad ko naman sinagot ang tawag niya.
"Hello, Ethan. Napatawag ka?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Mga ilang segundo siya hindi nakasagot at narinig ko na lang ang paghinga niya ng malalim kaya nagtaka naman ako.
"May problema ba, Ethan?" Dagdag na tanong ko sa kaniya.
("Kyries, may dapat kang malaman.")
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano ang dapat kong malaman, Ethan?"
("Pupunta ako diyan sa bahay niyo para malinaw ko masabi sa'yo.")
"Sige."
Nang mamatay na ang tawag hindi ko naman napigilan na magtaka. Ano kaya ang dapat kong malaman? Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako.
Sa pag-alis ni Nathan hindi ako pinabayaan ni Ethan dahil andiyan siya palagi niya akong sinamahan at binabantayan kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit naging close na kami ni Ethan sa isa't-isa.
After 30 minutes nakarating na siya sa bahay napatingin ako sa kaniya na hinihingal.
"Sorry nagka traffic kasi kaya natagalan ako."
Pinaupo ko muna siya sa bangkuan at pumasok ako sa loob para kumuha ng malamig na tubig sa kusina.
"Uminom ka muna." Sabi ko sa kanya no'ng inabot ko sa kaniya ang isang basong tubig.
Tinanggap niya naman ito.
"Salamat, Kyries." Pagpapasalamat na sabi niya at inubos ang isang basong tubig.
"Gusto mo ba na mag meryenda muna? Maghahanda ako."
Umiling siya.
"Hindi na busog pa naman ako." Sagot niya na ikinatango ko.
"Nga pala about sa sinabi mo, Ano ba ang dapat kong malaman?"
Bigla naman napalitan ng pagkaseryoso ang mukha ni Ethan.
Napatingin ako sa dalawang kamay ko ng hawakan niya ito.
"Kyries, I know kapag malaman mo ito masasaktan ka."
"Ano nga iyan sabi." Sinuntok ko siya ng mahina sa dibdib niya pero hindi pa rin nawala ang nakapaskil niyang seryosong mukha.
Kaya nacu-curious na talaga ako.
"Tumawag sa akin si Mom kanina at maniwala ka man sa hindi totoo itong sasabihin ko sa'yo, Kyries. Sinabi ni Mom sa akin na nakabuntis ng ibang babae si Nathan sa Switzerland."
Natigilan ako sa sinabi ni Ethan.
"Ano ba, Ethan, huwag ka ngang magbiro hindi nakakatawa!"
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...