Blast's (Point of View)
“Danni, ano ba kasi ang nangyari at bakit dumugo naman ang tinahing peklat mo sa baywang?” Pagtatanong sa kaniya ni Nathan matapos gamutin nina Reeve at Henzein ang baywang niyang bumuka dahilan ng pagdurugo nito.
Nandito kami sa room ng mga girls. Kami ang naghatid kay Danni rito sa room nila. Gusto naming masolo si Danni kaya pinaiwan namin muna ang mga girls sa cottage, kasama naman nila doon sina Taroy at Spring.
Nakitang kung napalunok si Danni habang nakatingin sa kisame.
“Sinundan ko siya, pero hindi ko naabutan pa.” Sagot niya at may tumulong luha sa mga mata niya na ikinatinginan namin nina Kirby, Autumn, at Nathan. Pwera na lang sa apat na tutok na tutok ang mga tingin kay Danni.
Pag-ahon kasi namin kanina sa dagat wala na siya sa pinag-iwanan namin. Hinanap namin siya at naabutan namin si Danni nakaupo sa buhangin sa dulo ng cottage na namimilipit sa sakit dahil dumugo na pala ang baywang niya. Kaya binuhat siya ni Henzein at dinala rito sa room nila.
Pero, nangunot ang noo ko kung sinong siya ang tinutukoy niya.
“Sinong siya, Danni?” Kunot-noo na pagtatanong ko sa kaniya na ikiinalingon niya sa akin. Pinunasan naman ni Henzein ng puting towel ang mga luha niya. Na ikinaiwas ng tingin sa kaniya nina Trent at Winter.
Hmmm.. I feel something fishy.
“Si Ate Frazee.” Deritsuhang sagot niya na ikinasinghap ng lahat.
Nagtaas naman ang isang kilay ko at nagtataka na talaga ngayon. Sino naman si Frazee? Mababakas kasi sa mga mukha nila ang gulat nang sambitin ni Danni ang Ate Frazee.
“What? But how?”
“Nakita ko siya kanina, Kuya Reeve na dumaan sa harapan ko at may katawag sa cellphone niya. Babaliwalain ko na sana siya kaso nang lumiko siya nakita ko ang mukha niya. Nagulat pa nga siya nang makita ako, pero agad rin siyang umalis. Kaya hinabol ko siya pero ko na naabutan pa.” Pagpapaliwanag ni Danni kay Reeve.
Ang totoo wala talaga akong idea kung sinong Frazee ang sinasabi ni Danni.
“Ano naman ang ginagawa niya rito? Mag-isa lang ba siya?” Pagtatanong ni Kirby.
“Maybe for vacation? At hindi naman siya siguro pupunta rito kung wala siyang kasama.” Sagot ni Winter na ikinatango ni Kirby.
Wow ha! Salamat naman at nagsalita na itong si Winter. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay, pero dati-rati naman palasalita siya, pero ngayon tahimik na. Simula kasing lumipas ang isang taon at kalahati nagbago na siya. Mabuti naman hindi napapanis ang laway niya.
“Kailangan natin siyang mahanap. Baka may alam siya kung saan nakatago ngayon si Xeynon,” Sabi ni Reeve sa amin at akmang tatayo siya nang pigilan siya ni Trent.
“Why?” Takang tanong niya rito.
“Hindi ka ba naghihinala? Nakita niya si Danni.” Pabitin na sabi ni Trent
“And then?” Kunot-noo na sabi ni Reeve.
“Sabi ni Danni mabilis itong umalis at hindi na nagpakita pa sa kaniya. Baka nakaalis na ito ng Siargao, dahil nakita siya si Danni at may posibilidad sa kaniyang isip na hanapin natin siya dito kaya nagbalak siyang umalis na lang,”
Hmm.. May punto si Trent.
“Kaya kailangan nating magtanong sa receiptionist baka nag check-in nga talaga si Frazee dito sa hotel,” Sabi naman ni Nathan na ikinasang-ayonan ng lahat maliban sa akin.
“Ako na ang magtatanong,” Pag volunteer ni Autumn at tumayo mula sa pagkakaupo sa tiles na sahig.
“Sasamahan na kita.” Pag volunteer naman sa kaniya ni Kirby na ikinatango niya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...