Chapter 44 (Favor)

231 44 0
                                    

Kyries's (Point Of View)

Madaling araw na kanina umuwi si Nathan tinanong ko pa siya kung saan siya pumunta pero hindi niya ako sa sinagot bagkus ay dumeristo siya sa kwarto ko at natulog. Pagod na pagod siya nang makauwi siya hindi ko na siya pinilit pa na sagutin ako dahil baka mag-away pa kami. Napapansin ko nga lately na umaalis siya sa gabi tapos uuwi siya sa bahay madaling araw na kaya hindi niya ako masisisi kung may pinagdududahan ako sa kaniya. Masakit man isipin pero sana hindi sana magkatotoo dahil hindi ko talaga kakayanin lalo na no'ng sabihin niya sa akin na ako lang ang mamahalin niya.

Ang weird ko naman para isipin 'yan pero naninigurado lang naman ako. Bilang girlfriend may right rin akong alamin ang ginagawa ni Nathan.

Andito ako ngayon sa Resto ni Ma'am  Kelly. Oo dito na naman ako naka destino. Kagaya ni Via shifter rin ako. Speaking of her, hanggang ngayon hindi pa din siya gumigising kaya sobrang naga-alala na kami sa kaniya lalo na si Blast at si Lola Olivia.

Hindi pa naman ngayon karamihan ang customer dahil umaga pa lang naman kaya naisipan ko na mag-mop muna ng sahig.

"Kyries.." Napaangat ang tingin ko kay Clarissa nang tawagin niya ako.

Oo nga pala, nagta-trabaho rin siya kina Ma'am Kelly. Kagaya rin namin ni Via shifter din siya at pareho kami na dito ngayon nakadestino sa Resto.

"Bakit?" Pagtatanong ko sa kaniya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

Nakalimutan ko rin pala sabihin na officially couple na sila ni Spring ina-nannounce nila kahapon sa amin ni Spring. Medyo masama pa ang pakiramdam niya pero pinilit niya na makapasok ngayon kaya nagpasuyo si Spring na bantayan si Clarissa.

"May naghahanap sa'yo." Sabi niya sa akin.

Nangunot naman ang noo ko.

"Sino?" Pagtatanong ko ulit sa kaniya.

"It's me, Kyries." Napatingin ako sa likod ni Clarissa at medyo nagulat pa ako nang makita si Mrs. Jonnes.

Anong ginagawa niya rito?

"Can we talk?" Dagdag na pagtatanong niya sa akin.

Nagkatinginan naman kami ni Clarissa. Nagpaalam na siya sa akin dahil magseserve pa siya. Hinarap ko ulit si Mrs. Jonnes at tumango.

Pinasunod niya ako sa labas ng Resto at pinasakay sa kotse niya.

"Mrs. Jonnes, Ano pong pag-uusapan natin?" Pagtatanong ko sa kaniya.

I prefer to call her Mrs. Jonnes instead Tita kasi nasanay na ako na Mrs. Jonnes ang tawag ko sa kaniya simula no'ng manilbihan sa pamilya nila si Lola.

Nabigla ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko.

"I'm not here para awayin ka, Hija. I'm here para humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sa'yo." Sabi sa akin ni Mrs. Jonnes at kitang kong may pumatak na luha sa dalawang mata niya.

Napangiti naman ako kay Mrs. Jonnes.

"Wala pa iyon, Mrs. Jonnes. Alam kong ginawa lang niyo 'yon para sa ikakabuti ni Nathan. Siguro, masakit lang sa part ko 'yong pagtutol niyo sa relasyon namin. Pero, okay lang po iyon tina-try ko naman ang best ko para maging proud kayo sa akin na worth it ako para sa anak niyo. Sorry din po kung nasagot kita nang gabing niyaya niya ako mag dinner kasama kayo."

Nginitian ako ni Mrs. Jonnes at nilagay sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko.

"Just forget it, Hija. Nawalan na ako ng isang anak noon kaya ayoko na pati si Nathan mawala sa amin kaya ginagawa ko ito para sa ikakabuti ng lahat. Kahit naman magmakaawa ako sa kaniya ikaw pa rin naman ang pipiliin niya kaya nga ginagawa ko ngayon ang best ko para bumawi sa kaniya dahil pati ako malaki rin ang utang na loob ko sa'yo, dahil nang panahong wala kami ng Dad niya andiyan ka para samahan mo siya, alagaan, at mahalin. Ikaw ang pumuno ng pangangailangan niya na dapat kami ang gumawa sa kaniya kaya sobrang thankful ako Hija na nagkabalikan kayo ng anak ko. Ayoko na maging masamang ina pagod na ako gusto ko maging mabuting ina naman ako sa kanilang dalawa ni Ethan."

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon