Kirby's (Point of View)
After naming uwuwi galing Siargao, sa bar agad ako dumeritso. Marami pa kasi akong mga documents na hindi napirmahan dahil nga sa nag summer vacation kami.
After 5 hours natapos ko lahat ng documents. Napag-isipan kong bumaba para uminom ng alak. Habang naglalakad ako tumingin ako sa suot kong wrist watch at exactly 6:00 pm na.
Pagkababa ko sa hagdan napatingin ako sa bagong dating na babae. Tila may hinahanap siya, dahil palingon-lingon ang tingin niya. Nakangiti akong naglakad palapit sa kaniya habang nakapamulsa sa black pants ko.
“Are you looking for your brother?”
Napatigil naman siya sa paglalakad at napaangat ang tingin niya sa akin.
“Kayo po pala, Sir Kirby. Ahh, opo. Sa kaniya kasi ako sasabay uuwi.” Sabi niya at yumuko.
“May inaasikaso pa ata siya. Mabuti pa maupo muna tayo,” Pagyaya ko sa kaniya.
Naka close ngayon ang bar. Bukas pa mago-open dahil may pinaasikaso ako sa kanila na importante dito sa loob.
Tumango lang siya sa akin. Niyaya ko siyang umupo sa pang dalawang couch.
“Gusto mo ng drinks? Ipapakuha kita kay Leomel.”
Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Harah.
“Huwag na po, Sir. Thank you na lang po.”
Napahinga ako ng malalim at inayos ko ang pagkakaupo sa couch. Pakiramdam ko hindi ako comfortable sa tabi niya.
“By the way, just call me Kirby na lang. Huwag mo na akong tawaging Sir at po. Hindi ka na iba pa sa akin. At isa pa parang kapatid na rin ang turing ko sa Kuya mo.”
Napatango naman siya sa sinabi ko.
“Sige, p---Kirby.”
Napangiti ako. Actually, I'm not aware na tawagin niya akong Sir. Parang sinasabi niya na matanda na talaga ako para sa kaniya. 2 years lang naman ang gap namin. At isa pa, I like her. Yes, si Harah ang sinasabi ko kay Danni at sa mga ugok na nagugustuhan ko. Pero hanggang ngayon hindi pa ako nagco-confess ng feelings ko sa kaniya. Nag-aanlingan ako na may halong takot. What if kapag nag confess ako sa kaniya ireject lang niya ako? Walang ngang masama mag confess, pero may times na handa na talaga ako pero napapaatras din agad dahil pinapangunahan ako ng katorpehan ko.
Napakagulo na lang ako ng buhok ko.
“After ng trabaho ni Henry yayayain ko kayong mag dinner sa resto.”
Dahil sa sinabi ko napatingin siya sa akin habang nagtitipa sa phone niya.
“Naku hindi na, Kirby. Nakakahiya sa'yo.” Paga-ayaw niyang sabi.
“Don't be shy, libre ko naman 'to e,”
Nakita ko ang pagkagat ng labi niya bago siya napayuko ng ulo.
“S-Sige.” Ramdam ko ang hiya sa boses niya.
“Sir Kirby!”
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin na walang iba kundi si Manong Gindo. Ang security guard ng bar.
“Bakit po?” Pagtatanong ko sa kaniya.
Naglakad naman siya palapit sa amin ni Harah.
“May naghahanap po sa inyo.”
Napangunot naman ang noo.
“Who?”
Hindi agad nakasagot si Manong Gindo.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...