Chapter 4 (Who's that man?)

794 100 11
                                    

Trent's (Point of View)

After maidala si Danni sa room niya, nag-stay muna kami. According naman sa doktor na nag-opera sa kaniya, hindi naman daw malalim ang balang bumaon kaya hindi sila nahirapan na kunin ito at mas napadali pa ang operasyon nila. About naman sa apat na pulis na nagdala kay Danni dito sa hospital at kumausap sa amin, hindi sila nagtagal dahil aayusin pa nila ang kaso ng Buffalo Gangster, pero babalik sila mamaya dito kapag nagising na si Danni para interviewhin nila ito.

“Ang cool ng sinabi mo kanina sa mga pulis, Trent. Nakakahanga ka.”  Sabi ni Taroy sa akin at pumalakpak pa talaga.

“Ginawa ko lang iyon para baliktarin ang sitwasyon at para hindi mapahawak si Danni.” Sagot ko sa kaniya at nilingon ko si Danni na nakahiga sa hospital bed.

Nasa tabi naman niya si Henzein na kanina pa hinahalikan ang likod ng palad niya.

“Hindi tayo pwede magsaya at magpakampante lalo na hindi pa tapos ang lahat. Alam kung itutuloy pa rin ng mga pulis ang pagi-imbestiga kaya kailangan natin ingatan si Danni. Kailangan rin natin mag-ingat para hindi nila tayo matiktikan.” Sabi naman ni Reeve habang nakadikwatro ng upo sa sofa.

“Yeah, you're right! Kahit na napaikot natin ang mga pulis, hindi pa tapos ang lahat. Babalik pa sila upang makakuha ng information kay Danni.” Sabi ni Nathan na nakasandal ang likod sa pader.

“At kahit wala na ang Buffalo Gangster, mayroon pang kahaharaping problema si Danni, hindi lang naman ang Buffalo Gangster ang gusto siyang pabagsakin. Remember, bukod sa grupong iyon mayroon pang nakalaban si Danni na natalo niya at gusto siyang higantihan.” Spring

Tama si Spring hindi lang ang Buffalo Gangster ang nakalaban ni Danni. Sa daming natalo ni Danni na mga Gangster sigurado akong lahat sila gusto ng mawala si Danni, lalo nasa gangster world. Kaya sobrang nag-alala ako ngayon kay Danni sa kalagayan at magiging sitwasyon niya.

“That's why we need to protect her, gaya ng ginagawa natin sa kaniya. Remember, siya 'yong tumulong sa atin sa dalawang grupong kumalaban sa atin. Dahil sa kadayaan nilang makipaglaban muntik na tayong matalo kung hindi lang dumating si Danni at siya na ang nagpatuloy ng laban para sa atin kaya sa huli siya ang nanalo at natalo niya ang dalawang grupong kalaban natin.” Autumn

Naalala ko nga anniversary noon ng gangster world. Kami ang lumaban sa dalawang grupo sa gang's battle. Habang nakikipaglaban kami sa kanila, may inispray sila sa amin at dahil hindi namin napaghandaan, nakaramdam kami ng hilo at hindi na kami makalaban ng maayos at isa pa nung araw ng laban, nakainom rin kami kaya humalo iyon sa inispray nila sa amin. Grabi ang natamo naming bugbog sa kanila kung hindi lang talaga dumating si Danni at tumulong sa amin, sa hospital sana ang bagsak namin. Siya ang nagpatuloy ng laban namin at sa huli natalo niya ang dalawang grupong kalaban namin.

“Kaya nga wala nang papantay sa tapang at kagalingan ni Danni. Nalampasan niya ang kakayahan natin namana niya yata ang lakas ng Kuya niya.” Kirby

Lahat kami napatahimik dahil sa sinabi ni Kirby. Napayuko naman siya dahil napansin niya siguro ang katahimikang nababalot sa apat na sulok ng hospital room na ito.

“I'm sorry.” Paghihingi niya ng paumanhin na tila may nagawa siyang kasalanan.

“It's okay, Kirb.” Seryosong sabi sa kaniya ni Reeve na ikinatango ni Kirby.

Sabay naman kaming napatingin kay Taroy nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa silya na katabi ni Spring. Nakatingin ang dalawang mata niya sa suot niyang wrist watch.

“I think, kailangan ko ng bumalik sa resort baka hinihintay na ako ng Bebeloves ko.” Sabi niya sa amin at tinalikuran kami pero bago niya malampasan si Winter hinawakan siya nito sa braso niya na ikinatigil ni Taroy at ikinatingin niya kay Winter.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon