Nakalipas ang 3 months...
Sinunod ni Jasper at ng magkakaibigan ang request ni Vince na wag sabihin kay Jelly ang totoong dahilan ng kanyang pag-alis. Maging kay Jeremy at Paula ay hindi din nila sinabi ang totoo. Pinanatili nilang lihim ang tunay na kalagayan ni Vince. Parusa man sa kanila na makita ang kanilang mahal na kaibigan na si Jelly na masyadong apektado sa pangyayari ay ayaw pa din talaga nila na sumira sa kahilingan ni Vince. Maging si Mabel na kasama ng anak sa Amerika ay gustong-gusto na ding tawagan ang pamilya ni Jelly at lalong higit si Jelly pero hindi nya kayang i-break ang pangako sa anak.
Naging successful man ang pagtanggal sa tumor ni Vince ngunit hindi pa din maganda ang naging effect nito kay Vince dahil kagaya nang unang nangyari sa kanya, eto na naman si Vince sa delikadong kalagayan. Matapos ang operasyon ay comatose na naman ang binata.
Napakahirap ng kalagayan ni Mabel ng mga panahong iyon. Mabuti na lang at nagdecide si Jasper na sumunod sa Amerika para alalayan ang kanyang Tita Mabel sa mabigat na pinagdadaanan.
Because of the heartaches, Jelly focused herself to her career. Lahat ng offers sa kanya na guestings, out of town concerts and universities and mall tours ay wala syang tinanggihan. She made herself so busy para kahit papaano ay ma-shift ang attention nya sa ibang bagay kesa ang magmukmok at mag-iyak sa loob ng bahay. Kahit napakarami nyang activities ay pumapasok pa din sya sa university. Nagtataka ang kanyang pamilya at mga kaibigan kung paano nya napagsasabay ang pag-aaral at showbiz career. Hindi nila nakitang magpahinga si Jelly. Ngunit kahit isa sa kanila ay walang lakas ng loob na magtanong kung kumusta na sya dahil tuwing sisimulan nila ang usapan about kay Vince ay si Jelly na mismo ang umiiwas. Alam nilang ang pagwowork at pag-aaral ang ginagawang outlet ni Jelly para makalimutan ang sakit na nararamdaman nya. Na kahit tumatawa ito sa kanilang harapan, kita sa mga mata nito ang sakit na pinagdadaanan.
Pagkatapos ng out of town concert ni Jelly at JM sa Subic nang gabing iyon ay dumiretso na ang buong crew sa beach hotel kung saan sila magpapalipas ng gabi. Pumunta sa concert venue ang magkakaibigan ng araw na iyon bilang suporta kay Jelly at para na din makapamasyal silang magkakabarkada. Doon din sila naka-check in sa hotel na iyon. Hindi alam ni Jelly na nanood ang mga kaibigan at gusto syang i-surprise ng mga ito. Lihim na nakipag-usap ang mga ito kay JM at sa P.A. ni Jelly para i-plan ang surprise victory party sa mismong kwarto ni Jelly.
Pagpasok ni Jelly sa kanyang hotel room ay dideretso na sana sya sa bed nang mapansing di nakaayos ang beddings. Masyadong metikulosa si Jelly lalo na sa bed kaya't nagdecide sya na tumawag sa housekeeping department. Kung sa iba siguro na client ay magsusungit na dahil hindi maayos ang bed nila pero wala sa personality ni Jelly ang magsungit kaya't nag-request lang sya na palitan ng mga ito ang beddings nya. Habang naghihintay ng housekeeper ay umupo muna si Jelly sa couch para magbasa ng magazine.
Maya-maya ay may babae at lalaking housekeepers na dumating. Nag-good-evening ang dalawa at sinagot naman sila ni Jelly pero diretso pa din ito sa pagbabasa ng magazine. Parehong naka-cleaning masks ang dalawa kaya't hindi kita ang mga mukha nila. Hindi napansin ni Jelly ang paglapit sa kanya ng lalaking housekeeper at biglang tinakpan ang kanyang bibig. Bigla namang lumapit ang babaeng hosekeeper na lalong natakot si Jelly dahil mukhang bubunot ng patalim. Dahan-dahan pa sa pagbunot sa bulsa ang babae. Dahil sa takot ay bigla syang siniko ang lalaki kaya't sya'y nakawala sa pagkakahawak nito. Bigla syang tumakbo sa may kabilang parte ng kama at sinigawan ang dalawa.
"Dyan lang kayo, wag kayo lalapit, sisigaw na talaga ako!!!" Takot ngunit matapang na sabi ni Jelly.
Biglang inilabas ng babae ang nasa bulsa kaya't biglang nagulat si Jelly.
"You girl, you're so serious... I just wanna retouch my lipstick." Sabay bukas sa lipstick then maya-maya ay tinanggal ang kanyang cleaning mask. Si Kitchy pala na nagpanggap na housekeeper.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...