Bonus Chapter # 5 (From Wedding Maze - MLMJ 2)

196 5 0
                                    

Dumating ang gabi at nagkatuwaan ang magkakabarkada na ulitin ang nakaugalian na nilang favorite na game tuwing magkakasama. Of course, ang Truth or Dare...

After na gumawa ng mga boys ng bonfire ay umupo na sila sa paligid syempre sa tabi ng kanya-kanyang sweethearts.

"Oh my God, fresh na fresh pa sa 'king memory ang tawanan natin sa Truth or Dare natin sa Boracay 'non!" Paula started.

"Oo nga cupcake, hindi ko talaga malilimutan yun, haha! Madaming nagyari nun!" Jeremy agreed.

"Wait! Wait! Actually nabitin tayo noon eh, doon sa part na natapat ang bottle sa middle ni Jelly and Vince... Di na natin nalaman kung sino talagang iki-kiss nilang dalawa..." Nina recalled.

"Oo nga, no? Bitin talaga yun part na yun eh..." Roy seconded.

"Well, as I have known eh meron daw kaseng girl na nag-pretend na masakit ang tiyan nung night na yun just to stop the situation..." Si Jasper sabay kindat sa katabing si Alex.

Bahagyang ni-push ni Alex si Jasper habang medyo namumula na ang mukha sa hiya. "Oy nanahimik na nga ako Babe eh, kaw talaga... Kaya nga kinuwento ko sa'yo yun di ba, guilty naman talaga ako noon... Tsaka maldita pa ako noon, hehe! Sorry po..." Nahihiya pero nakangiting sabi ni Alex.

"Ha-ha-ha-ha!" Nagtawanan ang magkakaibigan.

"Buti na lang talaga, Jed told me all the stories about that Boracay escapade that's why I can relate a bit... Haha!" Medyo tuwid na sa pagtatagalog na sabi ni Kitchy. "Pero I'm still really curious kung what happened sana if Alex's tummy didn't hurt, quote and quote.

"Well... syempre isa lang naman talaga ang mangyayari nun, that's already given..." Vince is smiling naughtily.

"And what supposedly happened, aber?" Curious na tanong ni Jelly.

"Eh di ganito...." Biglang kinabig ni Vince ang bewang ni Jelly at biglang hinalikan si Jelly sa labi na halos hindi na ito makahinga."

"Orayt!!! Woohooo!" Sigaw nang magkakabarkada habang pumapalakpak.

Naghahabol nang hininga si Jelly nang bitawan ni Vince sabay palo sa dibdib ng kasintahan.

"Sobra ka talaga, hon! Hmmm kurutin kita dyan eh!" Masungit pero malambing ang boses na sabi ni Jelly. "Di pa tayo nag-i-start ng truth or dare eh nangki-kiss ka na agad dyan...

"Eh bitin daw kase sila noon sa Boracay so ayan I showed them what supposedly happened there, hmmm." And he winked.

"Ewan ko sa'yo, sa torpe mo noon, imposible na gawin mo yun!" Jelly smirked.

Kaya't nagtawanan uli ang mga kaibigan nila.

"Torpe pala ha... Halika dito, lagot ka sa akin!" At muling hinila si Jelly at kinandong ito at niyakap nang mahigpit. "Di ka makakawala, dito ka lang sa'kin buong gabi." Sabi ni Vince habang kinikindatan ang mga kasama.

"Naku, dahil nakakainggit na kayong dalawa, eh punta ka nga dito Angel ko and icu-cuddle din kita..." Si Jed, sabay hila kay Kitchy, kinalong ito at niyakap din nang mahigpit sabay halik sa leeg.

"Ano yan, kayo lang??? Kami din no?" Sabi ni Jeremy sabay hila din kay Paula.

Sumunod na din si Roy at Nina, at si Jasper at Alex.

"Eh pano ba yan? So mag-gi-game tayo na ganito mga pwesto natin?" Natatawang tanong ni Vince.

"Sure!!!" Sagot ng apat pa na boys.

"Well, so start na tayo!" Sigaw ni Vince na hinagip ang bottle at pinaikot.

"Kuya Jeremy and Ate Paula!" Sigaw ng lahat ng tumapat sa couple ang bibig ng bottle.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon