First day of shooting ng LWTB (Look Who's The Boss)....
"Wait Direk... talaga bang dapat naming gawin 'to? Kailangan ba namin talaga hanapan ng butas para magkaron ng conflict ang bawat pair of participants natin? That's ridiculous!" Reklamo ni Jelly habang binabasa ang script nila.
"Well, that's the plan... Pero kung di naman talaga makakita eh bakit natin pipilitin di ba? Nasa kanila din naman yun, just in case magkaroon talaga ng conflict eh, it's up to them kung ifi-fix nila. Kaya nga reality show eh, di ba?" Paliwanag ni Direk Mon na kasalukuyang director nila ng LWTB.
"Hon, you don't need to worry.. Sabi nga, kung totoo talaga ang ipapakita nila at kung totoo talaga ang love nila sa isa't isa then nothing to worry about..." Sang-ayon ni Vince kay Direk Mon.
"I'm just worried... Paano kung dahil sa atin eh masira ang mga relationships nila? I don't want that to happen?" Iiling-iling at nakakunot ang noo na sabi ni Jelly.
"Well, we might be the captain of the ship but hindi pa din natin hawak ang magiging direksyon ng wind di ba? So whatever will be, will be..." Kumibit pa ang balikat ni Vince.
"Ano yun? Que sera sera lang... Whatever will be, will be? Hay naku... bahala na nga kayo..." Sabay buntong hininga na naman ng malalim.
Nagkatinginan lang at nagngitian si Vince at Direk Mon.
Maya-maya ay nagsimula na ang shoot ng introduction para sa showing ng kanilang reality show.
"Lights, camera.... Action!" Sigaw ni Direk Mon.
At nagsimula nang magsalita si Jelly at Vince after ng cue.
"Ako po si Jelly..." Sabi ni Jelly
"At ako naman po si Vince..." Sunod ni Vince.
"At kami po ang makakasama nyo para tuklasin ang napakakulay at napaka-exciting na bahagi ng buhay ng mga couples... ang wedding planning..." Salitan na sabi ng dalawa.
"Dito po ay masisilip natin ang mga realities behind the wedding..." Pagpapatuloy ni Vince.
"Makikita po natin ang mga adventures papunta sa magical na araw na iyon..." Dagdag ni Jelly.
"At kung ano ang mga totoong pinagdadaanan ng mag-partners bago maganap ang pinapangarap nilang big day..." Said Vince.
"Kanino nga bang ideas ang dapat mangibabaw?" Sabay na sabi ng dalawa.
"Sa akin ba?" Sabay tingin ni Vince kay Jelly.
"O sa akin kaya?" Kasunod na sabi ni Jelly.
"So let's discover that together... Dito po sa pinakabagong reality show sa inyong TV.... Look Who's The Boss...." Sabay na sabi ng dalawa.
"And cut!!!" Sigaw ni Direk Mon. "Good job, Jelly and Vince! Good job!" Nakangiting sabi ni Direk Mon sa dalawa.
Nag-high five ang dalawa ng marinig ang sabi ng kanilang direktor.
After a few minutes ng break ay nag-shoot pa ulit sila para sa details ng premier ng show. Ipinakita din through VTR ang 10 couples na makakasama nila sa reality show.
Pagkatapos ng shooting ay inihatid ni Vince si Jelly sa bahay nito na kalapit lang ng kanyang bahay. Simula kase ng maka-graduate sila at magkaroon ng trabaho at makaipon ng pera ay nag-decide ang dalawa na kumuha ng sari-sarili nilang bahay. And they decided na kumuha ng magkatabing bahay sa isang exclusive subdivision. But they are just making sure na every weekend ay bumibisita sila sa kani-kanilang mga parents.
Pagkarating nila sa bahay ay iniwan na nila sa RV ang mga PA's nila na si Vannie at Peachy para ayusin ang mga gamit nila.
Nagpahanda si Jelly ng dalawang coffee kay Yaya Len at sinabi na iakyat na lang daw sa kwarto nya.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...