Chapter 36 - The Lovers and the Ex-Lovers (Daw)

3.4K 354 38
                                    

After maayos ang mga gamit nya at makapag-rest ng 2 hours ay nagdecide na si Kitchy na susunod sya kina Jasper sa Tagaytay. Nag-rent na lang sya ng car para may magamit sya sa kanyang trip. Binilinan pala ni Jasper ang kanyang medyo matandang dalaga nang assistant na si Lynn para samahan sya sa Tagaytay. 

After two hours driving ay nakarating sila sa hacienda. 5:30 pa lang ng hapon kaya't kitang-kita pa ni Kitchy ang kagandahan ng paligid. Bumaba muna sya bago pumasok ang kotse sa gate ng hacienda at pinagmasdan muna nya ang napakagandang tanawin doon habang lumalanghap ng sariwang hangin. Ang mga puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Ang mga bulaklak na alaga nilang pitasin ni Jasper at ng iba pa nilang mga pinsan noong mga bata pa sila. Ang malawak na damuhan na madalas nilang hinihigan tuwing gabi para mag-star gazing. "Aaahhh, how refreshing..." Bulong nya sa kanyang sarili.

Maya-maya ay tinawag na sya ni Lynn. "Ma'am Kitchy, pasok na po tayo at baka hinihintay na tayo ni Sir Jasper sa loob." Sabi nito.

"O-okay Lynn... I'll be there in a minute..." She responded. At maya-maya ay sumakay na uli sya sa kotse.

Pagdating sa bungad ng hacienda ay binuksan ng katiwala ang gate at dumirecho na ang kotse nila sa loob.

Natanaw ni Kitchy si Jasper sa may veranda kaya't binuksan nya ang bintana ng kotse at kumaway sya dito. Kumaway din ito at nagmamadaling pumunta sa may driveway. Pagkatigil ng kotse ay nagmamadaling bumaba si Kitchy at masaya naman syang sinalubong ni Jasper at niyakap sya nito.

"Hey! Tinotoo mo talaga ang pagsunod dito ha..." At hingpitan pa lalo nito ang yakap sa kanya.

"Hey don't squish me!" She yelled.

"Haha! Na-miss kasi kita eh, and let me see... Medyo nag-gain ka ng konting weight kya ang sarap mong i-squish..." At nagtawa lalo ng malakas si Jasper.

"Don't ever tell me that, If you don't want me to pinch you head to toe!" At kinurot nya si Jasper sa braso kaya't tumakbo ito papasok sa loob ng mansion.

"Tama na please... Suko na ko... ayoko na.. Para ka talagang si..." Panay pa din ang pag-ilag sa kurot ni Kitchy.

"Jelly, right? Hahaha! I know now how you can't move on... Coz she's so pretty and so nice... Unlike the girl that you are here with... hmmmp!" And she frowned.

"Alex?" Jasper curiously asked.

"Yes..." She exclaimed.

"Shhhh... Kitchy ha don't be so rude to her. Try to be a little bit nice okay? Remember my mission?" Jasper whispered.

"Okay..." 

"That's my girl!" At pinisil ni Jasper si Kitchy sa pisngi.

"Ahem!" Narinig ni Kitchy at ni Jasper kaya't napalingon sila.

"Hey Jed! Nandyan ka na pala? Did you enjoy strolling outside?" Jasper inquired.

"Yes... I did.. By the way... don't you want to introduce me to your visitor?" Matamis ang pagkakangiting sabi ni Jed.

"O yeah.. Kitchy, this is Jed, my friend and partner sa mission. Jed this is Kitchy, my..." At pinutol ni Kitchy ang sasabihin ni Jasper.

"His ex-girlfriend..." Pupungay-pungay ang mata na sabi ni Kitchy.

Napatingin si Jasper kay Kitchy pero wala din syang nagawa kundi sakyan na lang muna ang drama ng pinsan. Kung anuman ang plano nito ay hindi nya alam pero saka na lang nya sasabihin ang totoo kay Jed, bulong nya sa isip nya.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon