Chapter 46 - Wanted: Silhouette Girl

2.7K 275 26
                                    


Nang pinalabas na si Jelly sa clinic ay nag-volunteer pa si JM na ihatid sya sa bahay nila. Wala na din namang nagawa si Jelly at Vince dahil nga sa kakulitan ni JM. Nagulat pa ang mommy, daddy at kuya nya hindi dahil sa pagkakaaksidente nya (dahil okay na naman sya nang umuwi), kundi dahil kasama nya si Justin "JM" Madrigal. Napakabait naman nito kaya't tuwang-tuwa na inasikaso ito ng mommy't daddy nya at pinag-stay pa nga for dinner kasama si Vince. Habang naghahapunan ay masaya silang nagkwentuhan. Maraming kwento si JM tungkol sa pamilya nya kaya't medyo gumaan na din ang loob ng mommy't daddy at kuya nya dito. Sa totoo lang ay mabait talaga si JM at mukhang walang hangin sa ulo kahit sikat ito kaya't hindi mahirap makagaanan ng loob. Kaya nga hindi na din masyadong nailang si Jelly at Vince habang kasama ito sa clinic kanina. Masayang kausap, magaang kasama at napaka-humorous nito. Actually, naimbita pa nga ito ng Mommy ni Jelly na mag-guest sa isang fashion show nya at hindi naman ito tumanggi kaya't tuwang-tuwa ang mommy ni Jelly. Mabilis na lumipas ang oras at sabay na ding nagpaalam ang dalawang binata.

Alas dose na yata ng gabi ay hindi pa dalawin ng antok si Jelly. Iniisip pa rin nya ang nangyari sa buong maghapon. Hindi nya akalain na ang isang lalaki na dapat nyang iwasan dahil sa pagtatago nya bilang Silhouette Girl ay sya pang makakabangga nya. She shook her head while thinking about it. "Ano kaya ang plano ni JM para bukas? Ano nga ba talagang gagawin nya para mapalabas nya si Silhouette Girl?" Napabuntong-hininga si Jelly. "Bahala na... Hangga't hindi nya alam na ako ang hinahanap nya ay di ako dapat mag-alala..." Kumbinsi ni Jelly sa sarili nya.

Maya-maya ay di na din nakayanan ni Jelly ang pamimigat ng mata. Nakatulog na din sya sa wakas.

Kahit napuyat ay maaga pa ding nagising si Jelly. Gusto nyang malaman agad kung ano nga ba talaga ang plano ng isang JM Madrigal... "Hmmm... Tingnan lang natin kung mapalabas mo ang hinahanap mo, JM Madrigal... " Bulong nya sa sarili nya. 

Gaya nang nagdaang araw ay usap-usapan pa din syempre ang pangalan ni JM Madrigal at kung anong dahilan ng pagpunta nya sa University na yun. Lahat ng madaanan nya ay puro si JM Madrigal at si Silhouette Girl ang topic.

Hindi naman nya pinansin ang mga kuwentuhan bagkus nagmadali sya para sa kanyang Chemistry class. 

Pagkapasok nya sa lecture hall ay naghintay lang sila ng 3 minutes at maya-maya ay dumating na ang Professor nila. Nag-greet ito sa kanila which is not normal dahil usually naman ay derecho na ito kaagad sa lessons nya na parang nagmamadali. "Ahh siguro good mood, hehe.." Bulong ni Jelly sa katabi nya. Napatawa ang seatmate nya. 

Maya-maya ay nagsalita ang professor. "Class, today is my birthday... Hindi nyo ba ako igi-greet?"

"Wow! Happy Birthday Sir!" Malakas na sigaw ng mga estudyante then maya-maya ay sabay-sabay na kumanta ng "Happy Birthday To You".

"Thank you! Thank you!" Nakangiting sabi ng professor nila. "I appreciate the song but actually I want to hear some good singers today so can I request songs sa ating mga aspiring singers dito sa class na 'to?" Request ni Mr. Guttierrez.

"Yahoooo!" Nagsigawan ang mga estudyante lalo na ang mga lalaki.

Maya-maya ay nagturuan na kung sinong magagaling kumanta at isa nga sya sa naituro. Nakakanta na ang dalawang classmate nyang babae nang tawagin sya ng kanyang professor.

"Miss Joaquin, it's your turn..." Nakangiti ito sa kanya.

"Kung isa ito sa strategy mo JM Madrigal... sorry pero you'll not win..." Bulong ni Jelly sa sarili nya.

My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon