Habang inaalala ang mga tagpong iyon na kasama si Vince sa silid na iyon ay bigla na namang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Nasaan na nga ba ngayon ang mahal nya? Bakit kailangan lumayo ito sa kanya? Mahal pa kaya sya nito? Yan ang mga series of questions na matagal na nyang gustong magkaroon ng kasagutan... Pero hanggang ngayon ay hindi nya mahanap ang sagot na iyon...
"Vince...." Biglang nasambit ni Jelly.
Maya-maya ay bigla syang may narinig na kaluskos mula sa labas ng kwarto. Nagmamadaling tumayo si Jelly. Naisip nya na baka dumating na ang renter ng cabin na iyon.
Paglabas nya ng kwarto ay wala pa din syang nakitang tao.
"Hello! May tao ba dyan?" Tanong ni Jelly.
Wala pa ding sumasagot.
Maya-maya ay parang may napansin syang anino sa malapit sa pagpasok ng kwarto ng mga boys kaya't nagpunta sya dun. Napansin nya na may isang lalaking nagtatago sa may sulok. Nang makita nitong papalapit sya ay bigla itong tumakbo. Naka-black hoody ito kaya't hindi nya makita ang mukha nito. Sa pagtakbo nito ay napatid ang kanyang paa sa may pot ng palm tree na nandoon. Nang madapa ito ay biglang nahulog at napahagis sa harap ni Jelly ang isang bagay na familiar na familiar kay Jelly. Ang necklace na matagal na nyang hinahanap...
Mabilis tumungo si Jelly para pulutin ang necklace. Pagkapulot na pagkapulot nya sa kwintas ay binalingan nya ang lalaki na tatayo na sana para tumakbo pero mabilis na pinigilan ni Jelly.
"Please don't go!!! S-sino ka??? B-bakit nasa 'yo ang necklace na 'to???" Malakas na sigaw ni Jelly sa lalaki.
Biglang napatigil ang lalaki pero hindi pa rin nililingon si Jelly. Nanatili itong tahimik at hindi sumasagot.
"Who are you??? Pa'no napunta sa'yo ang necklace na 'to? Please answer me! Who are you?" Nanginginig na ang boses ni Jelly.
But the mysterious guy kept mum. Hahakbang na sana ulit ito palayo nang muling magsalita si Jelly.
"Are you trying to escape from me again? Are you trying to avoid me again? Are you trying to leave me again? Sobrang sakit na... Please stop hurting me..." Nanghina na nang tuluyan ang mga tuhod ni Jelly nang oras na iyon kaya napaluhod na sya at tuluyang napasalagmak sa sahig sa pag-iyak.
Hindi na din napigilan nang misteryosong lalaki ang kanyang mga luha ng oras na iyon. Wala na syang nagawa kundi lingunin ang babaeng pinakamamahal nya na hanggang nang oras na iyon ay nasasaktan dahil sa kanya.
"Jelly..." Ito ang unang salita na lumabas sa bibig ni Vince nang makita kung paano nahihirapan sa pag-iyak si Jelly ng oras na iyon. Mabilis syang lumapit dito at biglang kinulong ito nang mahigpit na mahigpit sa kanyang mga bisig.
"Please forgive me for everything.... Please... Please..." Umiiyak din na sabi ni Vince.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...