Sunday morning... Maagang nagkita ang magkakaibigan sa lobby ng ospital maliban kay Jelly na hindi pa din komportable sa oplan ideas nila kaya't nagpaiwan na lang sa bahay.
Tumawag muna sila sa mommy ni Alex para masigurado kung nasaan si Alex. Sinabi nito na nagbantay si Alex ng buong magdamag kaya't malamang ay nasa ospital pa hanggang ngayon.
Kaya't nag-usap-usap ang magkakaibigan sa plano nila bago sila pumunta sa room ni Vince.
Nagpaiwan muna sa lobby sina Jeremy, Paula, Nina and Roy at naunang umakyat sa room ni Vince si Jasper at Jed.
Pagdating sa room ni Vince ay kumatok muna silang dalawa. Hindi naman nagtagal at binuksan ni Alex ang pinto.
"O anong ginagawa nyong dalawa dito?" Masungit na bungad sa kanila ni Alex. "Natutulog pa si Vince bawal syang abalahin." Dagdag pa nito.
"Gusto lang naman namin makausap si Vince, masama ba?" Sagot ni Jasper.
"Masama.. Bakit may reklamo?" Sabay irap ni Alex.
"Bakit naman agang-aga e napakasungit ni Pretty Alex... Ang cute cute mo pa man din oh.." Sabay pisil sa pisngi ni Alex.
"Oy Jed tigilan mo ako ha! Kung si Jelly e nakukuha mo sa pambobola mo, ako hindi!" Sabay irap ulit.
"Si Tita Mabel ba nandiyan?" Tanong ni Jasper.
"Wala sya dito maagang umuwi sa bahay nila may aasikasuhin lang daw." Inis pa ding sagot ni Alex.
"Ah okay, so it means ikaw lang nagbabantay..." Sabi ni Jasper na lihim na kumindat kay Jed.
"Mabuti pa siguro e yayain ka muna namin mag-coffee at magbreakfast sa baba.." Nakangiting sabi ni Jed.
"Hindi pwede! Walang maiiwan dito kay Vince.. Umalis na kayo, mabuti pa..." Mataas na ang boses na sabi Alex.
"Di ba pare papunta din dito si Nina at si Roy? So pwede sila muna magbantay, di ba? Tawagan mo nga sila Jed kung padating na sila?" Kumindat si Jasper.
"O-okay, I'll call them now..." Si Jed habang kinukuha ang phone nya sa bulsa. "Hello Pare, nasaan na kayo? Oh okay." Sabi ni Jed habang nakikipag-usap sa telepono.
"Hindi nga ako pwedeng umalis dito! Ang kulit nyo!" Galit nang sabi ni Alex.
"Paparating na daw sila.." Jed said.
"Okay ayaw mo talagang umalis ha... o sige..." Kaya't binuhat nya si Alex nang sapilitan at parang batang isinampay sa balikat nya.
"Ibaba mo ako Jasper kung hindi lagot ka talaga sa kin! Ibaba mo ko! Ibaba mo ko!" Sigaw ni Alex.
"Tumahimik ka, ang bigat bigat mo!" Pinalo ni Jasper sa pwet si Alex na parang bata.
Tawa nang tawa si Jed habang pinapanood ang dalawa.
Sa may hagdanan ay nakasalubong nila si Roy at Nina at sabay na nag-"thumbs up" sign ang dalawa na tawa din ng tawa habang papunta sa room ni Vince.
Bawat makakasalubong nila na nagtataka ay sinasabihan ni Jed ng "Lovers Quarrel lang po..."
Pagdating nila sa parking lot ay isinakay ni Jed at Jasper si Alex sa backseat ng kotse.
Sa loob nang kotse ay galit na galit si Alex.
"Ano ba talagang gagawin nyo sa kin ha? Subukan nyo lang talaga na dalhin ako sa kung saan naku malalagot talaga kayo! GRRR!" Sigaw ni Alex kay Jasper.
"Relax lang Miss Pretty... You're safe sa 'min dalawa ni Pareng Jasper. Ayaw mo nun may dalawa kang kasamang cute?" Nang-aasar na sabi ni Jed.
"Heh! Isa ka pa dyan!" Sigaw ni Alex sabay pukpok ng sapatos nya sa ulo ni Jed.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomanceFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...