Bilang respect sa parents at kuya ni Jelly at mga kaibigan nilang dalawa ay kinausap ni JM ang bawat isa at hiningi ang approval ng mga ito para sa panliligaw nya. Ni isa naman sa kanila ay walang nag-disagree dahil nakilala na din naman nila na mabuti ang pagkatao ni JM at nakita na din nila kung paano ito mag-care kay Jelly. Ini-explain din naman ni JM sa kanila na hindi naman sya nag-eexpect ng kahit ano dahil nga sa alam nya na mahal pa din ni Jelly si Vince. Dahil dun ay lalong tumaas ang respect sa kanya ng mga kaibigan.
Dahil nga nasa showbiz si JM at Jelly ay hindi sila nakaiwas sa mga news. Laging headline sa news sa TV, newspaper at social media ang... "RnB Prince JM courting Silhouette Girl?", "Nagtapat na ng pag-ibig nya si JM kay Jelly", "Nanliligaw pa nga lang ba? O sila na?". Lalo pang dumami ang nag-put up ng FB pages like "JEM - Jelly & JM forever"... "JEM fever", "JEM fanatics", etc. Lahat sila ay nagwi-wish na maging true to life na ang loveteam ng dalawa.
Nang maglabasan ang ganung balita ay agad-agad namang nag-sorry si JM kay Jelly although hindi naman sya ang pinagmulan ng mga balitang iyon. Naiintindihan naman ni Jelly dahil alam nya na public figure silang dalawa kaya't hindi naman talaga makakaiwas sa mga balitang ganun lalo na sa social media.
Dahil sa controversial na balita ay dumami tuloy lalo ang guestings nilang dalawa dahil na din sa request ng napakadaming fans. Isa na dito ang guesting nila sa GGV.
"Gandang Gabi Kapamilya! Nitong linggo lang na 'to ay kinilig halos ang buong Pilipinas dahil sa mga kumalat na balita sa TV, print at social media about sa pagtatapat ng pag-ibig ni??? Sino nga ulit yun? Sino nga ulit?" Nagbibirong tanong ni Vice Ganda sa audience.
"JM! JM! JM!" Sigawan ng mga fans.
"Naku updated na updated ang mga batang ito!" Di maiwasan ang tawa ni Vice. "Haha! Anyways, yun nga, it's about sa pagtatapat ng pag-ibig ng RnB Prince na si JM para syempre pa sa napaka-espesyal sa kanya at syempre special din para sa tin lahat na si Silhouette Girl, Jelly. Kaya wag na nating patagalin pa! Let's welcome, Justin Madrigal and Jelly Joy Joaquin! Gandang gabi sa inyong dalawa!!!"
At mula sa backstage ay lumabas nga si JM at si Jelly at nagbeso kay Vice.
"Gandang gabi, Vice..." Bati ng dalawa.
"Naku na-miss ko po itong si JM! nami-miss ko ang concert natin together... Ahhh... na-mimiss mo ba ako?" Biro ni Vice na hindi tuloy napigilan ni JM at Jelly ang pagtawa. "Ay naku, I'm sure never ako mami-miss nito lalo na't kasama nya ang kanyang "love of his life"! Gosh ang ganda! inggit talaga ang beauty ko... Alam nyo po nung pagpasok nya kanina, medyo na-star-struck ako ang ganda-ganda mo pala talaga Jelly lalo na sa malapitan. Minsan nakita ko na 'to sa ASAP kaya lang malayo ako, so di ko sya napagmasdan ng husto pero ngayon... Grabe!" Vice seems like mesmerized habang tinitingnan si Jelly.
"Naku, thanks po.. Coming from a "Vice Ganda", it's so flattering po..." Nahihiyang sagot ni Jelly.
"Naku, Jell wag mo na akong po-po-in ha.. Para di obvious na tumatanda na ako, haha! Tsaka one more request... Call me "Ate Vice" na lang kse bagay naman tayong maging sisters eh.. Di nagkakalayo, Beauty natin.. charing! Haha! Eto namang si JM, kung makikita nyo po ang mukha oh, parang hindi ma-take na bagay kaming maging sis ng "Silhouette Girl" nya.
"Hahahahha!" Napatawa nang malakas si JM.
"Parang ang tahimik mo yata ngayon..." Pinagmasdan ni Vice mula ulo hanggang paa si JM, in a way na nakakatawa. "Pangi-ngiti lang sya, patawa-tawa habang kumukutitap ang mga mata... Ay naku pag in-love nga naman..." At umiling-iling si Vice.
"Paano naman ako magsasalita eh hindi mo pa naman ako tinatanong..." Kaya't nagtawanan ang audience sa sinabi ni JM.
"Ay oo nga naman pala... Pero sandali! Wala naman yatang tanong para sa iyo dito eh... oh walang isinulat ang writer dito oh..." May papel na ipinabasa kunwari kay JM.
BINABASA MO ANG
My Last Mr. J | #Wattys2017
RomantiekFinding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong place where your brain wants you to go to.. so that makes the whole process difficult... But you'll...