Chapter 29 - All Lies

3.5K 365 74
                                    

Pagkatapos i-test si Vince ay inilabas na ito sa ICU at ibinalik sa kanyang kwarto. Natutulog ito kaya't nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap si Alex at ang mommy nito.

"Masaya naman ako at ikaw ang naging girlfriend ni Vince. At least kilala na naman kita." Sabay ngiti ni Mabel. "Matagal ko na nga yang kinukulit kung kelan ba magpapakilala ng girlfriend sa kin. Dinadaan lang naman lagi sa tawa ang tanong ko. Akala nya siguro lagi akong nagbibiro." Mabel declared.

"Hindi ko nga po expected na magiging mag-boyfriend na kami that time.. sobrang saya ko po noon.. pero nakakalungkot nga lang nawala agad yung happiness kase nga nangyari naman po ang aksidente..." Maluha-luhang sabi ni Alex.

"Wag ka na malungkot iha. At least nagising na si Vince at yun ang dapat ipag-thank you natin ng marami. Basta tulungan mo ako na ipaalala sa kanya ang past nya ha. I'm sure maaalala nya agad yun lalo na't lagi kang nasa tabi nya." Sabi ni Tita Mabel habang hawak nya ang isang kamay ni Alex.

"Thanks po sa pag-accept sa 'kin, Tita Mabel... It means so much to me..." Nahihiyang sabi ni Alex.

"Oo naman... Mabait kang bata kaya kahit sino e magugustuhan ka. And also, basta mahal ng unico hijo ko e mahal ko na rin. Parito ka nga..." At niyakap nya si Alex.

Maya-maya ay napatigil sila nang biglang kumilos at umungol si Vince. Dali-daling lumapit si Mabel at si Alex sa kama nito. Ilang segundo lang ay nagmulat na ito nang kanyang mga mata. 

"Vince... anak kumusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Mabel.

"Pa-pasensya na po talaga kayo pero hindi ko po kase talaga maalala kung sino po kayo..." Mahinang sabi ni Vince.

Napaluha si Mabel sa sinabi nang anak. "Anak.. alam ko ngayon mahirap pa sa'yong alalahanin ang lahat pero gusto kong malaman mo mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka nang mama..." Hinawakan nya ang kamay ng anak.

"Kayo po ang mommy ko at Vince po ang pangalan ko?" Tiningnan nya si mabel sa mga mata nito.

"Oo anak, ikaw si Vince at ako ang mommy mo." Pilit na ngumiti si Mabel.

Ngumiti si Vince. "Kahit hindi ko po naaalala ang past ko, sinasabi naman po ng puso ko na kayo nga ang nanay ko kase ang gaan-gaan po ng loob ko sa inyo." At inilagay nya ang kamay ng ina sa tapat ng kanyang puso at maya-maya ay hinalikan ito.

Hindi na napigil pa ni Mabel na yakapin ang anak.

"Syanga pala anak.. Eto nga pala si Alex. Sya ang girlfriend mo at kasama mo sa kotse nung naaksidente kayo." At tumingin sya kay Alex at nginitian ito.

"Narinig ko nga pong sinabi nya sa doktor kahapon, Alex... Alex pala ang pangalan mo..." Pilit na ngumiti si Vince na pilit inaalala ang kaugnayan nya sa babaeng iyon.

"H...Hi Vince.. I'm so glad nakakausap na ulit kita ngayon. Ilang weeks akong nag-alala sa'yo. I even wished na ako na lang sana ang na-coma at hindi ikaw... Bakit nga ba eto lang ang inabot ko sa aksidente na yun..." Sabay turo sa ilang sugat nya sa mukha at braso. "Samantalang ikaw..." At napaiyak na si Alex.

Kahit naguguluhan pa din sa lahat ng mga naririnig nya ay hinawakan nya ang kamay nito para i-comfort.

"Vince, napansin mo na ba yang mga blue roses at mga jelly beans na nasa heart boxes na yan?" Dala yata yan ni Alex sa'yo e, dahil, tama ba ako Alex, monthsary nyo today?" Tanong ni Mabel kay Alex.

"O..opo Tita Mabel dala ko po yan kanina before magkamalay si Vince.. Para nga kahit natutulog pa sya ay i-cebrate ko sana with him ang monthsary namin..." Nahihiyang sabi ni Alex.

"Napansin ko po yung iba pang jars na nasa tabi ng table... Kanino po galing yun?" Curious na tanong ni Vince.

"Ahhh yan bang mga yan? Galing yan sa bestfriend mo... Si Jelly... Favorite nyong dalawa ang Jelly beans simula pa ng bata kayo kaya naman araw-araw ka halos dinadalhan nun simula nung gumaling sya.. Actually dito din sya na-confine nun, nagkasakit kase sya mula sa Boracay... Well saka ko na ikukuwento sa'yo lahat kase baka masyado mapagod isip mo..." Paliwanag ni Mabel. "Pero wait, nagtaka ako bakit today lang di dumalaw si Jelly... Hmmm mabuti pa e tawagan ko na sya at ibang mga kaibigan nyo to let them know na nagising ka na. Sigurado ako, matutuwa ng husto ang mga yun... Wait di mo pa ba sila na-iinform, Alex?" Tanong ni Mabel.

"Ahh, e hindi pa po tita e.. Naisip ko po kase na baka di pa ready si Vince na magkaroon ng mga bisita lalo na't hindi naman po nya makikilala... Baka po ma-stress lang po sya.." Sagot ni Alex.

"Pero alam mo may point ka naman dyan... Siguro nga kailangan muna ni Vince makapag-adjust ng konti before makakita ng ibang tao... Tomorrow ko na lang siguro sila i-inform. Thanks for your suggestion Alex." Mabel told Alex.

"Wala pong anuman, Tita. Syempre po welfare ni Vince ang iniisip ko... ganun ko po sya kamahal..." Declared Alex.

"Salamat... salamat nagkaroon ng girlfriend si Vince na sobrang mahal na mahal sya." Sabi ni Mabel sabay hawak sa kamay ni Alex.

Nakikinig lang si Vince sa usapan ng dalawa habang pilit nyang hinahanap sa utak nya at puso ang tunay nyang nararamdaman sa babaeng iyon na parang isang estranghero para sa kanya.

At ang pangalang Jelly na kaninang binanggit ng kanyang Mommy... Hindi nya malaman kung bakit parang may kakaibang lundag ang puso nya nang marinig nya ang pangalang iyon...

Sino ba si Jelly sa buhay nya? Sabi ng Mommy nya ay bestfriend nya ito... Bumubulong sa isip nya na baka nga dahil sa pagiging bestfriend nila kaya't ganun na lamang ang dating sa kanya ng pangalang iyon. 

Bukas... bukas makikilala na nya si Jelly... Hindi nya maipaliwanag pero parang may intense excitement syang nararamdaman mula sa kaibuturan ng kanyang puso....


TO BE CONTINUED....


My Last Mr. J | #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon